NAKABUO na ng plano si Vladimir para sa raid operation. Kampanti sila na hindi na makatakas si Ace dahil kumilos na ang mga pulis upang mabantayan ang lahat ng airport maging pantalan. Naghigpit din ang mga ito sa mga private plane at jets. Hindi muna nila sinabi ang location ng headquarters ni Black Mamba upang hindi masira ang plano nila. Naghahanda na sila umaga pa lamang ng Sabado. “What is the first step?” tanong ni Chase. Naglalagay na ito ng devices sa bag. Wala silang dalang malalaking baril at puro maliliit na explosive devices. Mga snipers lang ang may baril dahil backup nila mula sa malayo. “Mauuna kayo ni Alejandro at mga snipers upang linisin ang daraanan natin at ma-monitor ang area,” sabi niya. Nagsusuot na siya ng bulletproof. He also had weapons like knives and needle

