LUNES ng umaga ay inasikaso ni Annie ang requirements nila ni Vladimir para sa kasal sa huwis. Kasama naman niya si Vladimir at ito ang kumausap sa judge na magkakasal sa kanila. Nag-apura na ito. “Tomorrow is okay, Judge? Are you available?” sabi pa ni Vladimir sa judge. Naroon sila sa opisina ng abogado at hindi pa man close ang usapan at naglapag na ng pera si Vladimir. “Why so rush? Kasal naman na kayo sa ibang bansa,” saad ng abogado. “Kasi magiging busy na kami sa mga susunod na araw.” “Ah, sige. Pero sa hapon lang ako available dahil may hearing ako sa umaga.” “No problem. Mas okay kami sa hapon.” “Maghanap na kayo ng witness both sides.” “Meron na po,” mabilis na tugon ni Vladimir. Nagkasundo rin sila. Ang sayang lumabas ni Vladimir ng opisina at ayaw bitawan ang kanang k

