WALA pa rin sa tabi niya si Vladimir nang muling magising si Annie. Hindi na ata natulog ang asawa niya. Alas-sais na ng umaga at hindi na siya makatulog ulit. Bumangon na lamang siya at naligo. Pagbaba niya ng lobby ay naabutan niya ang kaniyang asawa na nakahiga sa couch at tulog. Napabuga siya ng hangin. “Ano na naman ba ang ginawa mo?” tanong niya sa tulog na asawa. Inayos niya ang braso ni Vladimir na nakalawit at sumayad na ang kamay sa sahig. Gumalaw ito pero mahimbing pa rin ang tulog. Hindi na niya ito inabala at dumiretso siya sa kusina. Wala silang stock na maluluto pero my nadala naman siyang dried lamb meat mula Sicily at timplado na. Naiprito niya ito. Wala silang bigay kaya lumabas siya ng bahay at nagtawag ng gumagalang guwardya. “Good morning, ma’am!” bati ng lalakin

