NAKATULOG si Annie pagkatapos nilang maligo ni Vladimir. Mag-isa na siya sa kama pero ang alam niya’y sinamahan siya ng binata na humiga. Nagkuwentuhan pa sila. Bumangon na siya nang masipat ang oras sa kaniyang cellphone. Alas-singko na ng hapon. Tahimik ang kabahayan nang makalabas siya ng kuwarto at diretso sa main door na nakabukas. Natatanaw niya sina Vladimir at Yoshin sa tabing dagat at may iniihaw. May nakatayo na tent sa unahan ng umbrella hut, at talagang tinutoo ni Vladimir na doon sila matutulog. Lumapit siya sa mga ito at nakiusyoso. “Hello, sweetie!” bati ni Vladimir at dagling sinalubong siya. Sinaglitan nito ng halik ang kaniyang mga labi. “Ano’ng niluluto n’yo?” usisa niya. Lumapit siya sa grill. May mga hita ng manok na iniihaw roon, ribs ng baka, at mais, meron din

