NAPAWI ang inis ni Annie nang maiuwi na nila ni Vladimir ang pinamili nilang halaman. Halos wala na silang maupuan sa kotse dahil napuno ng halaman. It’s her big dream come true to have a wonderful garden in her own house. Pumasok pa rin sa ospital ang dalaga kahit late na. At least naka-duty pa rin siya after lunch. Konti naman ang pasyente niya sa dalawang clinic kaya maaga silang nakauwi ni Vladimir. Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso siya sa hardin. Nag-overtime si Alejandro at ibang guwardiya sa paggawa ng greenhouse. “Bakit maghahalaman ka pa, Annie?” tanong ni Vladimir. Sinundan siya nito sa hardin. “Aayusin ko lang ang mga halaman na bago. Ibubukod ko ang hindi puwedeng mabilad sa araw at iyong kailangan ng matinding init,” aniya. Bubuhatin sana niya ang isang halaman na may ma

