Lizelle's POV "Sweetheart, come on." "Sandali, Gab. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami. Nakapiring ako kaya todo alalay sa akin ang asawa ko na ginawa ang lahat para lang sumama ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dinala. "Come on, sweetheart. Walk faster..." Napairap ako. "Eh, kung ikaw kaya ang nakapiring at palalakarin ka. Hindi ba magdahan-dahan ka?" Inis kong sabi. "Sorry, sweetheart. I'm just excited." Napabuntong-hininga na lang ako. Bigla akong pinangko ni Gab kaya napatili ako. "Ano ba, Gab?! Ibaba mo ako!" Pero hindi ako pinakinggan ng loko. Huminto ito sa paglalakad at dahan-dahan niya akong ibinaba. Tinanggal ni Gab ang piring ko sa mata. Napakurap-kurap ako. "Tumingin ka sa harap, sweetheart." Agad naman akong tumingin sa ha

