“PART’?” mahinang tawag ko kay Jwan nang nakita ko siya sa Freedom Park. Nakaupo siya sa sementong bench ng park sa silong ng malaking akasya kung saan kami madalas na nagtatambay noon kapag namamasyal kami rito. At mukhang ang lalim nang iniisip niya dahil hindi man niya lang naramdaman ang paglapit ko sa kanya. Nilingon niya ako at nginitian. “Alam na alam mo pa rin, ah.” Nag-poker face ako. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Mabuti sana kung hindi siya buntis. Hindi ko nakita ang sasakyan niya kaya alam ko na nag-commute siya mula Batangas. Paano kung sumpungin siya ng hilo habang nasa byahe? Delikado iyon. “Nagpapahangin lang ako don’t worry,” aniya. She probably saw in my face my deep concern for her. I sighed before I sat beside her. Kipkip ko ang coat ko dahil alam ko na malam