MARAHAN ko na ipinapahid ang branded long last matte lipstick ko sa aking labi. Bagay na bagay sa aking glass-like skin ang kulay na nude pink, kaya ito ang madalas na ginagamit ko na shade. Laking pasalamat ko sa klima roon sa Korea dahil mas na-achieve ko pa ang mas makinis pa na kutis. Maputi na ako dati, pero mas nag-glow ang kaputihan ko noong nanatili ako sa South Korea. I now have more confidence in myself. "Shema, anak, may bisita ka," nang bigla ay silip sa akin ni Yaya Anette. Nakikita ko siya sa mirror kaya hindi ko na kailangang lumingon. One of my brows inched up higher than the other. Wala kasi akong inaasahang bisita. Imposible namang si Deus iyon. Ipapaputol ko ang aking isang daliri ko sa kamay if si Deus nga iyon. Promise. I know Deus very well, he is not the type na b