Guilty ako at hindi makatingin ng diretso kay Ximena nang makita ko siyang masama ang tingin sa akin pagkaalis ng matanda. Alam ko galit siya sa akin dahil hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya. She wants to talk more to Arnulfo pero takot naman ako na baka may masabi sa kanya ang matanda at magulo ang mga plano ko para sa amin ni Ximena kaya pinutol ko ang kanilang usapan. Mamaya, hindi na naman matuloy ang aming kasal at magpupumilit na naman siyang pumiglas sa akin kapag may natuklasan siya sa mga sikretong pilit kong tinatago. Ang sikretong pinakatatago ko ay sisikapin ko na huwag niyang matuklasan. Kamumuhian niya ako kapag nalaman niya iyon at baka hindi niya ako mapatawad. Ayaw kong humantong na naman kami sa dati lalo na ngayon na medyo nagiging submissive na siya sa akin. Aya