"A-akala ko ba aalis ka? Bakit narito ka?" tanong ko kay Kor. Hindi na ako nakatiis na magtanong dahil nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Tahimik lang siya at hindi nilulubayan ng tingin ang aking mukha. Hindi na nga ako mapakali sa paraan ng kanyang pagtitig. Para kasing inaarok niya ang laman ng isipan ko at tinutuklas ang kung anong sikreto ang tinatago ko. Ano naman kaya iyon? Wala naman akong sikretong tinatago sa kanya. Hindi na ako nagbabalak na tumakas pa dahil naisip ko naman na posible sa kanya na mahanap ako kahit saan ako magtago. Pwera na lang siguro kung magtago ako sa saya ng nanay ko. Kaya lang naisip ko, wala pala akong nanay. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa sila ng aking ama. "I just want to check on you, baby girl…" mahina niyang sabi na tila saril