Kagat ko ng mariin ang labi ko habang binibigyan ako ng pangunang lunas ng medics na tinawag ni Walden sa ibaba. Si Justin sana ang pupunta rito sa akin pero sabi ko na unahin na lang si Sky dahil mas kailangan ni Sky ang tulong niya. "f**k! Dahan-dahan naman!" singhal ko sa medics nang maramdaman ko ang pagdiiin niya sa sugat ko. "Pasensiya na, Master Kor. Pakitiis lang po ng kaunti. Kailangan ko pong maalis ang mga pulburang naiwan ng bala para hindi maimpeksyon ang sugat niyo. Mababaw lang ang daplis pero may tendency na mamaga ang sugat niyo at magnana kapag hindi naalis ang mga pulburang kumapit sa laman niyo," paliwanag ng medics habang hawak ang bulak na binasa niya sa alcohol. Sana si Justin na lang ang gumamot ng sugat ko. Maingat si Justin at magaan ang kamay. Kung hindi ko l