Tinungo ko kaagad kung saan ko nilagay ang perang binigay ni Kor sa akin. Naalala ko na nilagay ko ito sa drawer ng tokador kung saan nakalagay ang mga damit ko. Nagningning ang mga mata ko nang makita kong narito pa ang pera. Ang dami nito at nasa eighty thousand pesos pa dahil twenty thousand plus lang ang nagastos ko noong magpunta ako sa mall para mag-shopping. Hindi ko alam na magagamit ko pala ang perang ito sa pagtakas ko. Mukhang umaayon sa akin ang lahat ng pagkakataon. Heto may magagamit akong pera kapag nakatakas ako kay Kor. Naiiyak na isinilid ko ito sa bagpack na nakita ko sa loob ng walk in closet namin ni Kor. God granted my wish to escape. Kung hindi, bakit nasa tamang timing ang lahat? Wala si Kor, walang masyadong bantay, walang kuryente at may sapat na pera ako para t