"Nanay Medringgggggggg!!!" malakas na sigaw ang pinawakalan ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ako magkandaugaga dahil sa laki at bigat ng aking tiyan. Samahan pa na sobrang sakit nito at tila handa ng lumabas ang bata ano mang oras. "Kor! Nasaan ka na ba?!" sigaw ko sa utak ko sabay kagat ng mariin sa aking labi at mariing pumikit. Ang sakit-sakit pa lang mag-labor. Parang hindi ko kakayanin ang sakit. "A-aray!" impit kong daing sabay hinga ng malalim. "B-bakit, Miss Ximena?" natatarantang tanong ng matanda na kaagad lumitaw kung saan at papunta na sa gawi ko na halatang gulat at natataranta. "A-ang sakit po ng tiyan ko, Nanay. Manganganak na po yata ako." Nasa baba na ako ng hagdan habang hawak ko ang ibaba ng aking tiyan. Kanina pa ako sigaw nang sigaw ng tulong simula pa noong