Nanatili pa kami ni Kor sa Cebu gaya ng hiling ko. Dalawang araw ang hiningi ko sa kanya at walang alinlangan naman niya akong pinagbigyan. Gusto ko lang naman na dalhin siya sa mga lugar na naging tambayan ko at kanlungan ko noong mga panahon na nalulungkot ako at gulong-gulo ang isip ko. Gusto ko rin ipakita sa kanya ang ganda ng mga lugar na napuntahan ko na rito sa Cebu para aming pabalikan kapag nagkaroon ng pagkakataon. I know marami na siyang napuntahan na magagandang lugar pero iba pa rin ang feeling kapag sarili mong bansa ang na-a-appreciate mo. Ang una naming pinuntahan ay ang Basilica Del Sto. Niño na naging una kong naging kanlungan para ilabas ang sama ng loob ko. Dito naliwanagan ang isip kong hilong-hilo. Tama ang naging desisyon ko na sa simbahan ako tumungo. Nanalangin a