Dahan-dahan kong binitiwan ang painting ng Mommy ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa hindi ko sinasadyang pagkakatuklas ng kwarto na 'to. Hinang-hina na umupo ako sa sulok ng kwarto at sinapo ang noo kong bigla na lang sumakit. Parang nawalan ako ng lakas sa aking natuklasan. Parang kalahati ng pagkatao ko ay nadurog. Sinabunutan ko ang sarili ko. Minahal ba ako ni Kor dahil sa mukhang ito? "Definitely!" sigaw ng utak ko. Malinaw na malinaw na ito ang rason! Obsess siya sa akin dahil kamukha ko si Mommy! Kaya ba stalker ko na siya noon pa man dahil sinisiguro niyang sa kanya ako mapupunta pagdating ng araw? Nakakaiyak! Greatest love niya si Mommy at alam kong walang tatalo sa pagmamahal niya sa ina ko. Ako? Ano ako rebound lang dahil hindi sila nagkatuluyan? Rebound lov