Maling akala

1102 Words
Pagka-tapos n?ng gabi na may nangyari sa amin ay hindi ko na siya nakikita. hindi ko naman' matanong si lambert baka kasi magtaka siya. Nang halos isang linggo na hindi na ko nakatiis nagpunta ako sa malaking bahay, Nakita ko si Manang na nagwawalis sa labas, "Magandang hapon po Manang" Nakangit na bati ko sa kanya. "oh iho' magandang hapon din' wala dito si lambert nasa mansyon hinatid ang mommy niya'" "ahh ganoon po ba" Kunwari lang na sagot ko. "Eh sino po ang nandiyan sa bahay po ngayon?" "Ayy wala ng isang linggo pa sinama ni señorito ashlem ang kambal Pabalik ng Maynila" "si Lambert uuwe din iyon mamaya' Sagot ni Manang sa akin "May ibibilin kaba iho'?" "Wala po Manang bukas na lang po pag nagkita kami ni lambert' kunwari ko na lang na sagot. Bakit hindi ko man lang nabalitaan na umuwe na siya ng Maynila? Kailan ko kaya ulit siya makikita kausap ko sa sarili ko Isang buwan ang nagdaan halos walang pinagbago ang takbo ng buhay ko. Trabaho bahay' hinihintay na makikita ko siya at umaasa.. Isang linggo pa ang lumipas ng pumayag ang kapatid ko na umuwi na dito sa amin, kaya kahit paano nag-karoon ng sigla ang buhay ko. Dahil ang tagal na din ng huli ko siya makita at makasama. Nakilala ko si clarissa ang kaybigan ng kapatid ko mabait siya at tahimik. Sinama siya ng kapatid ko dito para mag bakasyon na din. Naabutan ko siya mag-isa sa labas ng bahay nagulat pa ako kasi gabi na. kaya nilapitan ko siya dahil ang lalim ng iniisip niya. "Clarissa bakit nandito kapa sa labas?" Nagulat siya sa bigla ko na paglapit. nailang pa siya sa akin pero para ba na may problema talaga siya. Naupo ako sa tabi niya. dahil naawa ako sa itsura niya. "May problema ka ba?" Ayaw niya na magsalita pero napansin ko na may tumulo ng luha sa mata niya. Kaya nagulat at nag alala ako. "Clarissa bakit umiiyak ka gusto mo na ba umuwe?" Umiling siya sa akin at matagal na katahimikan bago siya nag salita. "Kuya raf pag Ikaw ba hindi sinasadya na nakabuntis matutuwa kaba?" Nagulat ako sa tanong niya. pero sinagot ko parin Siya. "Kung ang babae na Mahal ko ang hindi ko nasadya na mabuntis siyempre matutuwa ako" Sagot ko sa kanya. Pero nagtataka pa din ako sa tanong niya. "Eh paano kuya' kung hindi mo mahal ang tao na hindi mo sadya na mabuntis? Napaisip din ako sa tanong niya. Kasi wala naman ako gusto na maging ina ng mga anak ko kundi ang babae na mahal ko. Kaya imposible na mangyari ang sa akin ang ganoon. "Dipende kasi sa lalaki iyon meron kasi na lalake na pananagutan niya ang babae para sa bata" 'Meron naman na lalaki na susuportahan na lang niya ang bata" Paliwanag ko sa kanya pero hindi ko alam kung tama ang sinagot ko sa kanya. 'Bakit mo ba naitanong?" "Kuya huwag mo sasabihin muna Kay stella ang sasabihin ko ha?" Umiiyak na pakiusap niya sa akin. Naawa na ako sa klase ng pag iyak niya, "Suge pangako ano ba yon?" "Kuya buntis po ako!' Nagulat ako sa sinabi niya. "Bakit ka umiiyak diba dapat matuwa ka dahil magkaka baby na kayo ng boyfriend mo?" Nasabi ko na lang sa kanya. kahit wala naman ako alam tungkol sa kanya. Napapa iling siya sa akin habang patuloy na umiiyak . "Kasi kuya duon sa dalawang sagot mo kanina kahit kailan ay hindi mangyayari sa akin!" Sagot niya sa akin na labis ko kinagulat. "Kasi kuya ang ama ng baby ko ay ang boss ko sa pinapasukan ko at may asawa na siya!" "Kaya nga napaalis ako sa trabaho dahil natatakot siya na malaman ng asawa at mga anak niya'!" Labis ang pagka-gulat ko sa mga pinagtapat niya. nagalit ako sa lalaki na hindi ko pa kilala. Bakit sadya na may mga lalaki na sinasamantala ang kahinaan ng mga babae na tulad ni clarissa? "Kaya hindi ko alam ang gagawin ko wala na nga akong trabaho tapos buntis pa ako tapos wala pang pakiaalam ang ama nito!!" Iyak siya ng Iyak habang pinapalo ang tiyan niya. Baawa ako sa kalagayan niya. dahil kaybigan siya ni stella tingin ko sa kanya ngayon gabi ay kapatid ko na din. Kaya ginawa ko hinawakan ko ang tiyan niya. para maawat siya sa pagpalo dito. Niyakap ko siya para kahit papaano gumaang ang pakiramdam niya "Hindi kasalanan ng bata yan clarissa" Iyon ang huli ko na sinabi sa kanya habang yakap ko siya. Nang gumaang na ang pakiramdam niya. sinabayan ko na siya para pumasok sa bahay. Pero bago ako tuluyan na makapasok ng pintuan nahagip ng mata ko ang isa sa sasakyan ng hacienda casivue na dumaan. Maaga ako pumasok kinabukasan mula ng nandito si stella ay lagi na ako nakakapag baon ng pagkain. Kaya ng araw ng pahinga para kumain ay sabay sabay ulit kami ng mga kasama ko. Habang kumakain napadaan si Lambert biglang lakas ng tibok ng puso ko dahil may kasama siya. Ang kambal na si sierra at ang babae na mahal ko, Jailan pa siya bumalik dito? masayang tanong ko sa sarili ko, Binati namin sila at inaya na din kumain, Pero nagulat ako sa bigla na pagsalita ni savannah. "Blisan na natin kuya ang init init eh!" at ang lansa pa!" Saabi niya sa kuya niya. Na hindi niya kami tinitignan man lang. Kay sierra hindi kami magtataka kung hindi kami pinapansin. Dahil likas na talaga sa kanya ang hindi palakibo. "Pero iba si Savannah? lagi ito na may nakahandang ngiti sa aming lahat. Kahit prangka siya nag-iingat siya makasakit ng damdamin at iisipin ang nasa paligid niya. nakita ko na nagulat ang dalawa niyang kapatid sa inasal niya', "Savannah!!!! Dahil sa inasal nita nasigawan siya ni Lamber na kinagulat din ni sierra. "Kasi naman kuya nanahimik kami ni sierra sa bahay bakit kasi sinama mo pa kami dito e!! Sabay lakad ng mabilis ni savannah. Nakita ko din ang pagtataka sa mukha ni Lambert. "Kuya susundan ko si Savannah" Sabi ni sierra sa kuya niya. Nag-paalam na din sa amin si lambert. Hindi ko na natuloy ang pagkain ko dahil nawalan ako ng gana sa nakita ko na inasal ni savannah. . Pero inisip ko na lang baka may hindi lang sila pagkaka-unawaan ng kuya lambert niya. Gagawa ako ng paraan para makausap at makita siya. Natuwa ako dahil nandito na ulit ang babae na mahal ko. Namiss ko talaga siya balewala ang lahat ng hirap ng trabaho dito sa hacienda basta alam ko na nandito lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD