The return of Rafael

1150 Words
Pagkalapag ng eroplano sa pilipinas agad kong tinawagan si stella para makausap. Pero hindi ko ito makontak. inisip ko na lang baka walang signal. Kaya dumiretso na agad ako pauwei kila tito. Habang nasa biyahe naalala ko na naman ang magandang mukha ni savannah. Ang maganda na mukha niya na laging Nakangiti. Biglang nagtagis ang Panga ko. Nakuyom ko nang mahigpit ang dalawa na palad ko. Pagdating ko sa Mindoro agad ulit ako na bumiyahe papunta kung saan ang bahay ni tito. Dahil medyo may kalayuan din ito. dalawang oras ang itinagal ng biyahe ko, Sinubukan ko ulit na tawagan si stella pero hindi ko talaga siya makontak. Habang papalapit sa bahay ni tito ang Sinasakyan ko unti ko din natatanaw ang malaking lupain ng hacienda Casivue. Halos mag apoy ang mata ko sa galit pagkatitig dito. Papalapit na ako sa tapat ng bahay ng mapansin ko na bakit parang walang tao? Bakit tila sarado ang kabuuan ng bahay? Nang husto na ako na nakalapit dito duon ko nakita na sarado nga Siya. Nasaan sila tito at stella? tanong ko sa Sarili ko. Si stella puwede pa na baka bumalik ng Maynila. Pero si tito Lucio hindi niya iiwanan ang lugar na ito. Iyon ang lagi niya na sinasabi sa akin. Nasa malalim ako na pag-iisip ng mag-ring ang phone ko. Si daddy ang tumatawag. Saglit kami na nag-kausap ni daddy at nag-bilin siya na dumiretso ako ng hacienda Mondragon. hinihintay daw ako ni don Felife. Paalis pa lang ako ng may huminto sa harap ng bahay na isang sasakyan. Pero dahil hindi naman ito tinted nakita ko na agad kung sino ang nasa driver seat. Si Cardo ang inaanak at isa sa pinag kakatiwalaan sa Hacienda Mondragon. Kilala ko ito dahil minsan na din kami nagkasama sa trabaho dahil meron minsan trabaho na konektado sa Hacienda Casivue Bumaba siya ng sasakyan at nginitian ako. "Kamusta Raf? Ang laki ng pinagbago mo a" Nakangiti na bati niya sa akin. "Pinapasundo ka nga pala ni tito Felife" Tumango lang ako sa kanya, tinulungan na din niya ako mailagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan niya. Naupo ako sa tabi niya. binabagtas na namin ang hacienda Mondragon ng bigla ko maisipan na mag-tanong sa kanya, "Cardo nakikita mo ba si tito Lucio?" Parang nagulat pa Siya sa klase ng pagtanong ko sa kanya. "Anong nakikita? ang ibig mo sabihin nag-mumulto?" Nagulat ako sa naging sagot niya sa akin. Nakita niya na sumeryoso lalo ang mukha ko. "Wala kasi tao sa bahay baka lang nakikita mo si tito Lucio pag nagagawi ka ng hacienda Casivue!" Bigla niyang inihinto ang sasakyan at tumingin sa akin. "Raf hindi mo ba alam ang nangyari sa tito mo?" Pagtataka na tanong niya sa akin. kinakabahan na ako sa klase ng boses niya. "Cardo deretsuhin muna nga ako anong nangyari kay tito Lucio?!" Napataas na ang boses ko sa tanong ko sa kanya. "Dalawang buwan ng patay si tatay Lucio Raf" Sagot niya sa mahinang boses. Nagulat ako sa sinabi niya. Oo alam ko na may sakit si tito pero bakit ang bilis naman? Kung kelan wala ako? bakit bigla nangyari iyon? Nagu-guluhan na tanong ko sa sarili ko. Hinayaan ko na may luha na mag landas sa mata ko. Wala ako pakialam kahit nakikita pa ito ni Cardo" Matagal ang namagitan na katahimikan sa amin sa loob ng sasakyan. Ako na ang unang nagsalita. "May balita kaba sa kapatid ko?" Nakita ko na naman ang pag-kagulat sa kanyang mukha. "May kapatid kaba?" Pag-tataka na tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. "Stella pangalan niya'" Matipid na sagot ko. sabay baling sa bintana ng sasakyan sa gilid ko. Ang dami na biglang tumatakbo sa isip ko. Bakit kung kailan wala ako tito Lucio? Tanong ko kahit na alam ko na hindi niya ako masasagot. "Hindi ko kilala ang kapatid mo pero parang narinig ko na ang pangalan na stella" Nakikinig ako sa sinasabi niya. pero ang lalim pa din ng iniisp ko. "Minsan kasi naririnig ko ang mga tauhan ng hacienda Casivue na nababanggit nila ang pangalan na stella" Bigla ako napalingon kay Cardo. "Lagi daw iyon kasama ni Señorito Lambert" Patuloy na sabi niya. nabuhay ang galit ko ng marinig ko ang hacienda Casivue, "Ulitin mo nga ang sinabi mo Cardo?" Pagalit na tanong ko sa kanya, "Hindi ako sigurado Raf' kung siya ang kapatid mo. Basta estella ang lagi ko na naririnig na pangalan na binabaggit nila" Napakuyom ang dalawang palad ko sa galit. paano napunta si stella sa hacienda casivue? Sinabihan ko din siya na huwag pupunta ng Hacienda Casivue, ang pinagtataka ko hindi mag-tatagal si Stella dito lalo na't wala na pala si tito Lucio. "Pakihatid mo ako ng Hacienda Casivue gusto kong malaman kung si stella nga ang nasa loob ng Hacienda na iyon!" Galit na utos ko kay Cardo, "Sorry Raf' mahigpit na ipinagbilin ni tito Felife na wala kang pupuntahan maliban sa Hacienda Mondragon!" Tinignan ko siya ng masama halos manlisik ang mata ko sa pagkatitig sa kanya. "Hindi pa naman sigurado Raf' kung siya ang kapatid mo' may sasabihin daw na importante si Tito Felife sayo'" Pang-ngumbinsi niya sa akin. Siguro nga kailangan ko muna makausap si Don Felife. Pag-katapoa babalikan ko ang hacienda Casivue para malaman kung si stella nga ang nanduon. "Sige umalis na tayo" Sagot ko sa kanya sabay paandar niya na ulit sa Sasakyan niya. kalahating Oras lang ang itinagal ng biyahe namin. Pagpasok sa malaking lupain ng Hacienda Mondragon. Huminto ito sa tapat ng malaking bahay. Sabay kami na bumaba ni Cardo, "Tara na sa loob Raf" Nauna siya na pumasok na nakasunod lang ako. Mas malaki ang lupain ng Hacienda Mondragon kung ikukumpara sa Hacienda Casivue. Dahil ang Hacienda na ito ay nag-mula pa sa ninuno ni don Felife na lalo pa niyang pinagyaman, Habang papalapit sa Malaking sala ng bahay nakita ko ulit ang isang Matikas at may edad ng matanda na lalaki. Na nakaupo habang nakatingin sa akin. habang lumalapit ako sa kanya. hindi pa din maitatago ng kanyang edad ang pagiging matapang at strikto niya nung kabataan niya. na hanggang ngayon pa din naman ay kanya pa din na tinataglay. Kung titignan mo siya sa kanyang tindig at kung paano siya tumingin. katatakutan siya ng taong hindi lubos na nakikilala siya. Pero dahil kilala ko na din naman siya. Balewala sa akin kung ano man ang nakikita ko sa kanya ngayon. Tumayo Siya para salabungin ako. Kinamayan niya ako at tinangap ko naman ito. "Magandang hapon po don Felife" Bati ko sa kanya. Tumingin muna siya Kay cardo para magpa-salamat at sinabi din na iwan na niya kami. "Maupo ka Rafel" Matigas na boses na utos niya sa akin. "Ikaw pala ang panganay na Anak ng matalik na kaybigan ko' kung alam ko lang matagal na sana kita na pinapunta dito" Pag uumpisa niyang sabi sa akin... .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD