Episode 10: Patuloy Ang Giyera

1118 Words
DAHIL madilim pa ang paligid, kaya hindi nila masiguro kung patay ba ang leader. Nagdesisyon sila na doon na lang magpalipas ng gabi para na rin sa seguridad nilang lahat. Lahat sila ay napagod, dahil ilang oras din bago natapos ang bakbakan. Para sa kaligtasan nilang lahat ay hati ang nagpapahinga at ang kalahati naman ay nagbabantay, isa na doon si Kumander Allhe at si Col. Jacob. Naglakad-lakad siya habang tinitingnan ang bawat paligid. Nang mapansin siya ng asawa ay tumayo rin ito at sinundan siya. "Okay ka lang, Allhe?" mahinahon na tanong niya rito. "Oo. Bakit hindi ka nagpahinga?" balik tanong niya, at may pag-alala sa boses nito. "Hindi naman puwede na pabayaan kitang gising habang ako ay tulog. Mas mabuti siguro kung ikaw muna ang magpahinga at ako muna ang magbantay," suhestyon niya rito. "Hindi rin ako makatulog, iniisip ko kung nakarating ba sa baryo sina Albert at ang mga na-rescue." "Huwag kang mag-alala, matalino si Switlyne at matapang. Kaya niyang protektahan si Albert at ang iba pa nilang mga kasama." "I trust her," aniya. "Ako rin," ani niya sa asawa. Hanggang sa umakyat ang dalawa sa isang tree house na sakto lang ang taas. Magkatabi silang nakatayo habang nasa malayo ang kanilang mga tingin. At maya-maya pa'y mayroong natanaw si Kumander Allhean na parang mga alitaptap. Pero sa tanto niya ay parang mga maliliit ito na ilaw. "Jacob, may teleskopyo ka ba diyan?" "Wala bakit?" pagtataka niyang tanong. "Parang may paparating na mga kalaban—" "Ano? Saan?" pag-alala na tanong nito. "Banda doon!" Sabay turo niya sa kaliwang bahagi. "Marco!" sambit ni Kumander Allhe. "Bakit, Kumander Allhe?" "Magdala ka dito ng teleskopyo, bilisan mo!" Dali-dali namang umakyat si Marco at bitbit niya ang 'Military Binoculars Night Vision Hunting Telescope'. "Bakit, kumander?" pagtataka niyang tanong. "Hindi ako sigurado, pero parang may mga kalaban na paparating," aniya at dali-dali niya itong tiningnan gamit ang night mood telescope. "s**t! Mga kalaban nga!" bulalas niya. Dali-dali niyang inabot ang teleskopyo kay Jacob at bumaba agad siya na at naka sunod namam si Marci sa kaniya. "Attention!" sigaw niya at nagising ang mga sundalong kasalukuyang natutulog ang kahati sa mga sundalo. At maya-maya pa ay nagising na ito at agad tumayo sa harapan niya. Agad niyang sinabi na may paparating na mga kalaban, binigyan niya ng instructions mga tauhan kung ano ang dapat gawin at ang pardus force naman ay tinahasan niya na mag-sniper silang lahat dahil kulang sila. Bago sila tuluyang pumuwesto ay sinabi muna ni Kumander Allhe na magdasal muna sila. "Ama naming banal, at makapangyarihan sa lahat. Sa iyo nagbubuhat ang kapayapaan at ang katotohanan. Igawad mo sa amin ang buhay, ituro mo sa amin ang karunungan, ibigay mo sa amin ang iyong kaharian. Sa ikakapayapa ng aming mundong ginagalawan at sa ikakatahimik ng aming mga puso at kaluluwa na pagal sa pakipagsagupa sa ingay ng daigdig. Gawin mong nararapat sa amin ang iyong kalooban, buksan mo ang mga damdamin at isip ng mga taong gumagawa ng kaguluhan upang makita nila ang iyong kapayapaan. Punuin mo ng kapayapaan ang aming mga kaisipan at kalooban sa araw-araw. At gawin mo kaming instrumento sa pagsusulong ng kapayapaan sa buong sansinukuban. Ituwid mo ang landas ng aming mga kalaban. Iilag mo kami sa kanilang mga bala at higit sa lahat, huwag mong ipahintulot na mabawasan pa kami. Panalangin namin ang lahat ng ito, sa pangalan ng iyong bugtong na anak na si Jesu-Kristo. Amen." Matapos magdasal ni Kumander Allhe, ay agad na silang kumilos. Ang ibang pardus force ay umakyat sa mga puno, kung saan hindi agad sila makikita. Bawat armas nila ay nilagyan ng mga night mood telescope, para klaro ang mga kalaban kahit madilim. Sa pagkakataong iyon ay magkasama si Kumander Allhe at si Col. Jacob Samonte. Sa kabilang dako naman ay naman ay nandoon si Capt. Jase. Kasalukuyan ng naka puwesto ang lahat tanging hinihintay na lang nila ay ang makalapit ang mga rebeldeng paparating. Hanggang sa natanaw na nila ang marami rebelde. Kalmado na itinaas ni Kumander Allhe ang kamay niya na may hawak na 'burn red gun flare'. Para sa senyales na 'get ready'. Kahit madilim ay makikita ito ng mga sundalo dahil may pulang ilaw ito na maliit. Muling tiningnan ni Col. Jacob Samonte ang kinaroroonan ng mga kalaban, gamit pa rin ang night mood telescope. "Malapit na sila!" ani niya kay Kumander Allhe. Agad naman nitong kinalabit ang gatilyo ng burn red gun flare at sumabog ito sa ere na parang fireworks. Sabay tumayo ang mga sundalo at sabay rin na nagpapaputok. Nasorpresa ang mga rebelde na umatake. Ang buong akala nila na sila ang mang sorpresa sa mga militar. Nasira ang kanilang plano at nagkakagulo sa hanay nila at kanya-kanyang tago. Ang mga militar naman ay walang tigil sa pagpapaputok habang umaabante sila. At pinangunahan pa ito ni Kumander Allhe, at Col. Jacob Samonte. Patuloy rin ang pag-snipe ng mga pardus force. Naging tensyondao ang giyera sa dalawang magkalabang grupo. Dahil nagtapon ng mga granada ang mga rebelde. Buti na lamang ay walang natatamaan na mga sundalo. Tumagal ang giyera at naabutan na sila ng pagsikat ng araw. Marami na rin sa mga sundalo ang sugatan dahil sa pagtatapon nila ng granada, ngunit wala pa namang namamatay. Kahit alas-sais na ay umalingawngaw pa rin ang putukan. SAMANTALANG narinig ito nina Switlyne at Albert 1III., dahil malapit na sila sa naturang lugar. Kasama nila ang mga kasundaluhan na mahigit isang daan. Iba pa ang mga sundalong medics. Kasama rin nila si Doktora Sheann Sirocco at Doktora Villa Font. Ayaw sana ni Alsi na sumama ang ina niya ngunit mapilit ito sapagkat nag-alala siya sa panganay niyang anak. Hanggang sa nakarating sila sa kuta ng mga rebelde at naabutan nila doon ang mga sugatan at ang mga nagkalat na mga bangkay. "Si Brigadier General Sirocco nasaan? Kumusta siya?" pag-alala niyang tanong. "Okay naman siya, doktora. Patuloy pa rin silang nakikipaglaban," tugon nito. Hanggang sa nagtungo na rin ang mga bagong dating sa kinaroroonan ng giyera. Upang tulungan ang mga kasamahan nila. Alam nila kung saan papunta ang mga rebelde kaya inaambangan nila ito. Hanggang sa nakapuwesto na sila. Lalo na si Switlyne at Albert III. "Ka Ashar— Sukol na tayo!" sigaw ng isang rebelde sa leader nila. "Walang susuko! Hindi tayo magpapahuli na buhay! Lalaban tayo hanggang kamatayan—" Natigilan ang pinuno ng mga rebelde dahil natamaan ito sa balikat. At sa paglingon niya ay natanaw niya ang isang sundalong babae na ang baril ay kasalukuyan pang nakataas. Gaganti sana ito subalit, bigla siyang pinutukan ulit at natamaan siya sa gitna ng kaniyang noo. Napaatras ang mga natitirang buhay habang nakatingin sa kanilang leader na nakahandusay at dilat ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD