PINATAYO nila si Albert III, at sinunod niya ang utos upang wala ng ibang masasaktan. Sapagkat bilin ng kapatid niya na kailangan na walang ibang mga estudyante na madamay o masaktan. "Lakad!" galit na utos ni Ka Floro. "Sandali, saan n'yo siya dalhin?!" galit na tanong ni Franky. At dahil medyo nagkagulo na sa loob ng tolda ay halos nagising na ang lahat. "Sino ba talaga kayo?! Siguro mga komunista kayo 'no?!" singhal na tanong ni Darrel. "Tumahimik kayo—" "Huwag!" sigaw na pigil ni Albert III, dahil akma nilang babarilin si Darrel. "Sasama ako nang maayos, huwag n'yo lang idamay ang iba. Please… huwag na kayong magsalita, huwag kayong sumunod!" dagdag pa niya at bahagya niyang kinindatan si Franky at sumenyas siya na pigilan ang kasamahan nila. Tila nakakaintindi naman si Fran