Nagising ang dalaga nang sumagi sa mukha niya ang ilaw na mula sa bintana. Agad naman niyang iminulat ang mga mata niya at agad na natanaw ang yaya na nakangiting nakatingin sa kanya.
“Magandang umaga prinsesa ko.” ngiting bati nito sa dalaga bago maraang lumapit kay Anne at saka ito niyakap.
“Namis ko talaga ang yakap na ito yaya.” ngiting wika nito sa kay yaya Linda.
“Ikaw lang ba?” sumbat nito. “O siya, umawat ka na diyan at nang makaligo ka na. Baka mahuli ka sa unang araw ng pasok mo.” pagpapatuloy nito.
Agad namang tumayo ang dalaga at saka humarap sa salamin at maraang sinuklay ang buhok nito bago pumunta sa bathroom.
Ito ang unang araw niya kaya hindi niya maiwasang maging kabado. Pero hindi niya kailangang maging kabado sapagkat naroon naman ang pinsan niyang si Stacy kaya may makakausap siya at sa ganoon ay malibang.
Agad niyang hinubad ang suot niya at saka pinaandar ang shower. The water seems cold kaya she adjust the temperature at sa ganoon ay maibsan ang lamig na hatid nito.
Nang matapos itong maligo ay agad niyang kinuha ang tuwalya at saka ibinalot sa buong katawan.
Marahang naglakad ang dalaga patungo sa kuwarto nito. Agad itong nagtungo sa closet upang makapagbihis.
Napataas noo ang dalaga habang pinagmasdan ang iba’t-ibang kasuotan na naka-hung sa closet nito.
“Ano kaya ang susuotin ko ngayon?” tanong nito sa sarili.
Agad na nakuha ang atensyon niya sa isang white shirt. Mas gusto niyang maging simple. Agad niya itong kinuha at saka isinukat.
“I missed this shirt.” ngiting wika nito. Matagal tagal naring nakatigga ang mga kasuotan na ito rito kaya hindi niya maiwasang mamis ang bawat isa dito.
Agad naman niyang kinuha ang isang fitted jeans na may desenyong gupit gupit sa hita.
Nakangiting nakaharap ang dalaga habang tinitignan ang repleksiyon nito sa salamin.
“I guess something is incomplete.” tugon nito sa sarili. Agad namang ibinaling ng dalaga ang tingin nito sa closet at saka kinuha ang isang black jacket.
Mabilis na naglakad ang dalaga palabas sa kuwarto nito. Alam niyang sa oras na ito ay nakatingala na ang pinsang si Stacy sa labas ng bahay nila kaya kailangan niyang magmamadali.
“Hindi ka ba kakain?” tanong ng mommy niya.
“No mom, sa school na lang po. Bye.” agad na nagpaalam ang dalaga sa mommy nito. Hindi na siya nag-abalang kumain dahil hindi pa siya nakaramdam ng gutom dahil nakarami siya doon sa cookies na luto ni yaya linda kagabi.
“Ingat! Enjoy your first day honey!” tugon nito sa dalaga.
Nang makalabas ang dalaga ay agad niyang natanaw ang pinsang nakaabang sa labas ng gate.
“Kanina ka pa dito?” tanong nito sa pinsan.
“Hmm? Mga thirty minutes lang naman. Sa susunod? Agahan mo ha?” sarkastikang wika sa pinsan.
“'Bat ba kasi ang aga aga mo? Alas utso pa naman ang pasok, ah?”
“Masanay ka na, mas mabuti nang mauna kaysa sa mahuli, hindi ba?”
Bahagyang napahinto ang dalaga at saka hinarap si Stacy.
“Okay na ba ito?” tanong nito kay Stacy. Agad namang napangiti ang pinsan nang makita ang suot ng dalaga.
“Oks na oks, you looked simple.” ani Stacy. Agad namang binuksan ni Anne ang front seat at saka doon na umupo.
Tahimik ang dalawa habang tumatakbo ang sasakyan patungo sa paaralan. Hindi alam ni Anne kung ano ang nakain nitong pinsan niya at sobrang tahimik.
“Whe’re here.” tugon nito. Agad namang napatingin ang dalaga sa buong ground ng university. Malaki ang kabuuan ng unibersidad. Malaki ang ground nito at pinalubutan ng mga matataas building.
Agad na lumabas ang dalaga sa kotse ng kaibigan at saka inayos ang sarili. Hindi niya maiwasang mailang lalo na’t nasa kanya ang atensyon ng mga estudyante sa ground.
Bahagyang isinuot ng dalaga ang sunglass at saka hinintay na makalabas ang pinsan.
“Sis! Dito ka lang ah? I’ll gonna park this muna sa parking lot.” ani ng pinsan nito.
Habang hinihintay ang pinsan ay nilibot muna niya ang kabuuang ground ng unibersidad gamit ang kanyang mga mata.
Habang nakalibot ang paningin ni Anne ay agad na nakuha ang atensyon niya nang makita ang isang itim na kotse na kakarating lang. May kalayuan ito mula sa kinatitirikan niya ngunit nakakakuha atensyon ang sasakyan nitong makintab at halatang mayaman ang may-ari nito.
Pero ang mas ikinakunot noo ni Anne ay kung bakit lahat ng babae ay nakatingin rito na animo’y inaabangang makalabas ang nagmamaneho sa loob.
Maya maya pa’y marahang lumabas ang nakasakay rito. Nakahood, naka-black jeans at nakasuot na black sunglass. Malayo pa lang ay nakakaakit na ang lalaking ito. Kaya pala panay abang ang mga babae dito sa campus dahil hindi maipagkakaila ang kagwapuhang taglay nito.
Agad na naibaling ng dalaga ang tingin nito sa gilid nang makita ang pinsang nakatabi sa kanya.
“Who is he?” kuryusong tanong nito sa pinsan.
Napangiti na lamang ang pinsan. “Siya? Siya ang nag-iisang anak ng may-ari sa unibersidad na ito. Siya ang sinasabi ko sa’yo kagabi sis. Gwapo ano? Kaya ako maagang pumunta sa school ay dahil isa ako sa nag-aabang sa kanya tuwing umaga, halos lahat ng babae dito insan ay type siya.” biglang napangiwi ang dalaga nang marinig ang sinasabi ng kaibigan.
“So? He’s a heartrob? ” tanong nito sa pinsan. Hindi naman nagkakamali ang pinsan. Gwapo ito at isang tingin mo lang ay mabibighani ka na rito.
“Yes.” tipid na wika nito.
“A pervert one.” walang ganang tugon nito. Bahagyang naglakad ang dalaga upang tumungo sa elevator.
Ang ayaw na ayaw ni Anne sa isang lalaki ay iyong bastos. Kaya labis ang galit nito nang bastusin siya doon sa restaurant ay dahil kumukulo ang dugo niya kapag makasagupa ang isang bastos na lalaki.
Nabighani na sana siya kanina but she felt disapointed nang malamang siya ang tinutukoy ni Stacy kagabi.
“Nasaan ba ang room 36?” tanong nito sa pinsan.
“Iyon ang magiging room mo?” gulat na wika nito kay Anne. Nagulat naman ang dalaga nang makita ang reaksiyon ng pinsan.
“Bakit?” tanong nito.
“Wa-wala, hmm? Gusto mo ba ihahatid na kita?” tanong nito sa dalaga.
“No thanks, just tell me the sketch, baka ma late ka pa sa klase mo.” wika nito.
“Sure, bumaba ka sa second floor at naroon ang room 36.” turo pa nito. Agad namang napabuntong hininga ang dalaga.
“Salamat.”
Bahagyang huminto ang elevator sa second floor at saka ito bumukas. Agad namang lumabas ang dalaga sa elevator.
“Insan!” napalingon ang dalaga sa elevator nang tawagin ito ng pinsan. “Good luck.” wika nito at saka ngumiti.
Maya maya pa’y sumara na ang pinto ng elevator kaya agad na naglakad ang dalaga at hinanap ang room 36.
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase kaya halos lahat ng estudyante sa campus ay naroon na sa kanilang tag-iisang silid.
Napabuntong hininga si Anne nang makita ang room 36. She rubbed her hand at saka dahan dahang nagtungo papuntang room 36.
“Exuse me sir? Room 36?” tanong nito sa professor na nakatayo sa harap ng klase. The class has been started.