Nakarating ang dalawa sa Canteen kalaunan. Walang kibong umupo ang dalaga sa tabi ng binata. Maya maya pa’y agad namang dumating ang pinsan na nakatitig pa sa dalawa. “Can I join? Kung pwede lang naman?” hiyang tugon nito kay Anne na habang ang mga tingin ng pinsan ay nakatungo sa mukha ng binata. “Who is she?” Napalunok laway na lang ang dalaga at saka ito nagsalita. “Pinsan ko nga pala si Stacy. Stacy si Luke, you know him already, right?” wika nito sa pinsan. Marahang umupo si Stacy sa tapat ng dalawa, habang si Anne naman ay hindi komportable sa kanyang kinalalagyan. “Eat well, pagod ka pa naman.” ngiting wika ni Luke kay Anne. Napatingin si Anne sa pinsan na animo’y nagulat sa sinabi ng binata. “He mean is. Ahhhm. Sa stairs kami dumaan papunta rito, puno na kasi ang private e