bc

Harder Than You Know

book_age16+
297
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
inspirational
student
comedy
sweet
bxg
humorous
highschool
friends with benefits
friends
like
intro-logo
Blurb

This story is a romance novel between a student who is an introvert named Arabella Ruiz with her hot and handsome teacher, Damion Jinn Delavigne who she thought had a two-sided personality. Jinn is a jerk and a cold-blooded guy outside the school but instantly became a cool and nice teacher when he was standing in front of his students. They both have weird behavior but that will lead them to fall in love with each other. A love that should not be felt because it is forbidden for both of them.

Ang kwentong ito ay isang romance novel sa pagitan ng isang estudyante na isang introvert na nagngangalang Arabella Ruiz at ng kanyang guwapo at mapanuksong guro na si Damion Jinn Delavigne. Sa tingin ni Ara ay may dalawang panig na personalidad ang lalaki; si Jinn ay may pakasiraulo at isang cold-blooded na lalaki sa labas ng paaralan ngunit nagiging isang cool at mahusay na guro naman kapag siya ay nakatayo na sa harap ng kanyang mga estudyante. Pareho silang may kakaibang ugali pero iyon ang magdadala sa kanila para mahulog ang loob nila sa isa't isa. Pagmamahal na hindi dapat nararamdaman dahil mahihpit na ipinagbabawal sa kanilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Walk Away
"Ayoko na!!! Sawang-sawa na ako sa pambababae mo!!! Tigilan na natin 'to! Hindi ko na kaya!!!" Nakaupo ako sa isang madilim na sulok habang naririnig ko ang hiyawan nila mama at papa. Tulala lang ang mga mata ko habang nakayakap ako sa aking mga tuhod. Wala pa ring humpay ang pag-iyak ni mama samantalang si papa naman ay isinisisi na naman ang lahat sa kaniya. "Tumigil ka nga sa kakahiyaw mo! Nakakahiya sa mga kapitbahay! At ilang beses ko bang sasabihin sayo... hindi ko nga babae 'yon! Sekretarya 'yon ni boss! Nakisabay lang siya sa akin pauwi! Ang hirap sayo... napakakitid ng utak mo! Puro ka selos, para kang sira!" "Ako pa ngayon ang sira!? Kitang-kita ko Nick! Kahit tinted 'yong salamin ng sasakyan mo... Alam kong naghahalikan kyo sa loob!" pagtangis ulit ni mama at narinig kong hinampas-hampas niya si papa. "Napakasama mo! Hindi ka na ba talaga magbabago ha!? Hanggang kailan mo ako gagagvhin!? Hanggang kailan mo ako pagmumukhaing tanga!? Wala kang kwenta!!! Hayop ka!" "Wala akong kwenta!? Mas wala kang kwenta!" hiyaw din sa kaniya ni papa na may panggigigil. "Baka nakakalimutan mong ako ang nagpapalamon sa 'yo kaya pwede ba, manahimik ka!" Isinuot ko ang aking salamin na may makapal na grado saka matamlay na tumayo. Naglakad ako ng walang ingay at bumalik sa aking silid. Hindi lumilipas ang isang buong linggo na hindi nangyayari ang ganito. Bata pa lang ako ay ganiyan na sila palagi. Sanay na ako. Wala akong imik na humiga sa aking kama. Dalawang linggo pa bago magsimula ang klase; wala akong pasok bukas pero naisipan kong matulog na lang ng maaga. Ayaw ko na kasing marinig pa... ang mga pagtatalo nilang paulit-ulit na lang. Nakakasawa. ... "Ara! Ara!" Kunot ang noo kong pilit na nagmulat ng aking mga mata. Naalimpungatan ako sa mahinang pagtawag sa akin ni mama. Anong oras na ba? Pakiramdam ko ay kakatulog ko pa lamang. Naaninagan ko siya na nakaupo sa gilid ng aking kama at nakatingin sa akin. Takang-taka akong napatitig sa kaniya habang bumabangon. Mugtung-mugto ang mga mata niya, malamang dahil sa kanina pa siya umiiyak. "A-Anak, pasensya na kung ginising kita," pasimula niya. "Bakit ma?" Nagtikom ng bibig si mama tapos ay... hinawakan niya ang kamay ko. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi at para bang maiiyak na naman siya. "A-Anak, h-handa na ako," ani mama at ang mga namumuong luha sa kaniyang mga mata ay tuluyan na ngang pumatak. "I-Iwan na natin ang papa mo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at ang inaantok kong kaisipan ay tila agad na nagising. Hindi ako makapaniwalang sa wakas ay natauhan na din siya! "T-Totoo ba 'yan, mama?" Tumango si mama at huminga ng malalim upang palakasin ang kaniyang loob, "Oo anak. H-Hindi ko na kaya eh. A-Ayaw ko na." Agad kong niyakap si mama ng mahigpit at ganoon din siya sa akin. Sa isip ko ay paulit-ulit akong nagpapasalamat sa langit dahil sa labis na saya ngunit hindi ko iyon masambit ng aking bibig. "Pupunta tayo sa San Agustin. Hindi niya tayo doon makikita," lumuluhang sabi ni mama. "A-Alam kong mahirap anak pero sa una lang ito, pipilitin kong maging maayos ang buhay natin at masaya kahit tayo lang dalawa, pangako." Kumalas ako ng pagkakayakp kay mama at tumindig. Hindi ko na patatagilin pa dahil baka magbago pa ang isip niya. "Umalis na po tayo ngayon. Baka maabutan pa tayo ni papa!" "H-Ha? Oo, sige. Aalis tayo ngayong gabi." **** Sakay ng tren ay bumyahe kami patungong San Agustin. Halos sampung oras ang biyahe ngunit hindi magtuloy-tuloy ang aking pagtulog. Nakapalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Napapaisip ako... kung anong gagawin ni papa kapag nalaman niyang iniwan na namin siya? Mag-aalala kaya siya para sa amin? Hahanapin niya kaya kami? Magbabago na kaya siya? Hmm. Bakit ganoon? Bakit parang ang sagot ko sa lahat ng mga tanong na 'yon ay... imposible. "Nak, bababa na tayo," sabi ni mama. Agad kong inayos ang suot kong salamin at sinukbit ang aking backpack. Tumayo ako at sinundan si mama palabas. Namangha naman ako sa ganda ng San Agustin. Hindi ko inaakalang ganito pala kaganda ang lugar na ito. Mayroon na itong malalaking establisyemento at mga gusali, gayon pa man, ang simoy ng preskong hangin ng probinsya ay naaamoy ko pa din hindi tulad sa siyudad na pinanggalingan namin. "Ano na ang sasakyan natin?" malamig kong tanong kay mama. "H-Ha? Sandali," ani mama at kinuha ang kaniyang cellphone. Matapos tignan ay binalik niya na ito sa kaniyang bulsa at lumingon-lingon sa paligid. "Magta-taxi na pala tayo papunta kina Tiya Sanya mo." Natigilan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni mama. "T-Tiya... Sanya?" Pumara si mama ng taxi at agad na sumakay. "Oo, hindi mo ba siya natatandaan? Pasensya na, hindi ko na naikwento kanina. Natutulog ka kasi—" "Hindi ako tulog." "H-Ha? Akala ko tulog ka, hindi ka kasi umiimik," sabi ni mama tapos natawa ito ng walang ingay. Dismayado naman akong napatitig sa kaniya. "P-Pero 'yon nga, nagkausap na kasi kami ulit ng Tiya Sanya mo. Inalok niya akong doon muna tayo tumira sa kanila dahil marami naman daw bakanteng kwarto doon, at isa pa, ipapasok niya daw ako ng trabaho sa kumpaniya nila." Natahimik akong muli. Kaya pala nakapagpasya din kaagad si mama pero... b-bakit naman sa dinami-dami ng tutulong sa kaniya si Tiya Sanya pa? Tsk! Wala akong sama ng loob kay tiya, sa totoo lang napakabait niya. Bestfriend daw siya ng mama ko noong junior high hanggang magkolehiyo pero nagtungo sila ng America at doon na tumira. Pitong taon ata ako noon no'ng umalis sila kaya hindi ko na masyadong maalala. Hindi ko alam na nakabalik na pala sila ng bansa at dito na sila naninirahan ngayon sa San Agustin. Hindi ako naiinis kay tiya, naiinis ako kay— "Naaala mo ba si Jinn? Hindi ba kaibigan mo siya? Palagi nga kayong magkasama no'n hindi ba?" tila may panunuksong sabi ni mama. Si Jinn, ang bunsong anak ni tiya Sanya! Sa kaniya talaga ako naiirita! "Wala akong kaibigang dwende." Tinaasan naman ako ng kilay ni mama, "Bakit ganiyan ka kay Jinn? Napakabait kaya ng batang 'yon. Ang cute-cute pa. Siguro ang gwapo-gwapo na niya ngayon, hindi ba?" "Wala pa akong nakikitang gwapong nuno, kaya imposible 'yan mama." "Huwag kang ganiyan Ara, mas matanda si Jinn sayo! Dapat nga ay kuya ang itawag mo sa kaniya," ani mama na muling ikinakunot ng noo ko. "Mas matanda? Paanong naging mas matanda sa akin ang bansot na 'yon!? Ni hindi nga siya umabot sa balikat ko!?" "Ano ka ba, baby face kasi siya no'n at maliit kaya siguro akala mo mas matanda ka sa kaniya. Hindi mo ba alam na limang taon ang tanda niya sayo!? Bukod pa do'n ay napakatalino pa," hayag sa akin ni mama. "Sa pagkakaalam ko nga ay maaga siyang natapos ng kolehiyo dahil accelerated siya, at ngayon ay may maganda ng trabaho." Namuti lang ang mga mata ko at hindi na tumugon pa. Noon pa naman kasi ay tuwang-tuwa na si mama sa dwendeng 'yon. Palibhasa ay gusto niya din talaga magkaroon ng anak na lalaki, sa kasawiang palad, ako lang ang naging anak nila ni papa dahil nga biglang sumama ang ugali ng ama ko. Isang oras pa ang naging byahe at huminto na ang sasakyan. Mabuti naman dahil pakiramdam ko ay puputok na ang pantog ko sa lamig; naiihi na ko. Matapos magbayad ni mama ay bumaba na kami. Napatanga naman ako sa laki ng bahay na nasa harap namin. May puti itong fence na nasa 6 ft siguro ang taas. May hardin ito sa bakuran at swimming pool sa gilid. T-Teka nga, mas maganda at mas malaki pa ito sa bahay namin sa Villa Vicente! T-Talaga bang dito muna kami titira? Pinindot ni mama ang doorbell at agad namang bumukas ang pinto. Lumabas si tiya Sanya na may matamis na ngiti sa kaniyang mukha. "Amanda! Naku naman sa wakas, nandito na kayo," ani tiya nang mabuksan niya ang gate at patuluyin kami. "Ito na ba si Ara!? Naku, dalaga na at ang ganda-ganda!" Maganda!? S-Saan naman kaya banda? Mukhang dapat ipahiram ko ang salamin ko kay tita. Ang kapal ng grado ng salamin ko, at para hindi ako masilaw ay halos matabunan na ng bangs ang mga mata ko. Buhaghag din ang buhok ko, nakakatamad kasing magsuklay. Gusto ko na ngang pagupitan ito na panlalaki pero ayaw ni mama dahil magiging kamukha ko daw si papa. Hmp! Ang suot ko ay oversized na hoodie jacket. Naka-padyama pa ako dahil nga nagmamadali na kaming umalis kagabi. Tapos running shoes, sa totoo lang ngayon ko lang napansin na ang chaka ng ayos ko. Tsk! Pinapasok kami ni tita sa loob ng bahay nila. Hindi ko maiwasang hindi mamangha ngunit nanatiling tikom ang aking bibig. Ang laki at linis ng bahay nila. Napaka-minimalist ng puti at kahoy na motif nito. Dagdag pa ang mga indoor plants at mabangong amoy mula sa humidifier; napakakumportable. Nagkukwentuhan sila mama at tiya tungkol sa kung ano ang nangyari. Hindi naman ako nakikisali at pinipigil-pigil ko talaga na maihi. "Ara, bakit ba sumisiksik ka?" tanong sa akin ni mama. "N-Naiihi na ako," bulong ko kay mama at nagpigil sya agad ng pagtawa. Nagtaka naman si tita kung ano ang pinagbubulungan namin. Nilingon siya ni mama habang umiiling-iling, "Pasensya na. Introvert kasi itong si Ara, nahihiya ata sayo. Pwede bang maki-CR!? Naiihi na daw siya." "Ah, 'yon lang pala! Syempre naman," natatawang sabi ni tiya at nilingon ang pasilyo sa kaliwa. "Diretsuhin mo iyan, iha at makikita mo ang kusina. Pagdating mo sa kusina, sa bandang kanan ay makikita mo naman ang daan papuntang banyo." "S-Sige po, salamat," bahagya akong yumuko at naglakad ng marahan papunta nga doon. Tila wala namang laman ang utak ko at tulala lang habang naglalakad. Basta ang alam ko lang ay naiihi na ako. Sa wakas ay narating ko nga ang harapan ng banyo. Tumaas pa ang isa kong kilay dahil nagdalawang isip ako kung iyon nga iyon. Sliding door ang pinto kaya walang doorknob. Wala namang ibang pinto dito kaya malamang na iyon na nga ang banyo. Nakatayo ako sa harap nito. Inangat ko na ang kamay ko upang buksan ang pinto ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang itong bumukas! Kumawala ang hamog at mabangong amoy mula sa loob ng banyo, at natigilan ako. Animo'y naging istatwa ako ng sandali nang makita kong may isang lalaki na nakatapis lamang ng tuwalya ang pang-ibaba ang bumungad sa harapan ko! Lantad na lantad sa birhen kong mga mata ang katipunuan ng mamasa-masa niyang katawan at ang ilang butil ng tubig ay gumuguhit pa paibaba sa anim na pares ng kaniyang abs. S-Sh*t! Napalunok ako ng kaunti. Hindi din kumikilos ang lalaki at ramdam kong nakatitig siya sa akin. Unti-unti akong nag-angat ng tingin dahil sa may katangkaran siya; hanggang balikat niya lang ako! Napamaang ako agad nang magtama ang aming mga tinginan. A-Ang gwapo ng kaniyang mukha! May kakapalan ang kaniyang kilay; bumagay ito sa kaniyang tsokolateng mga mata na nakakalunod kung tumitig. Ang ilong niya ay tila perpektong nililok na gaya ng sa mga sikat na modelo o artista! Ang mga labi niya ay sakto lamang ang nipis at namamasa-masa; para bang napakalambot nito kung madadampian ko. Hmm. Wala ring ekspresyon ang kaniyang mukha ngunit ganoon pa man... may kakaibang pakiramdam sa kaniya na paninindigan ka ng balahibo kapag tinitigan mo siya. S-Sino ba ito!? "S-Sorry! H-Hindi ko alam na—" Ang matamlay niyang mga mata ay malalim pa ring nakatitig sa akin. Nauutal ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Tell me," malamig niyang sabi. "What are you trying to hold there?" A-Anong— Ibinaba ko ang tingin ko. Nakita ko... a-ang aking kamay na nakaangat pa din at ang palad ko ay nakatapat sa nakatapis niyang— "Ahhh!!!" napaatras ako agad at napatakip ng aking mukha sa kahihiyan. Dali-dali namang dumating sina mama nang marinig ang paghiyaw ko. "Anong nangyari?" tanong ni mama kaya napalingon ako sa kanila. Si tiya naman ay tinignan ng masama ang lalaki, "Anong ginawa mo?" Narinig ko ang malalim na paghinga ng lalaki kaya napatitig ako sa kaniya. Nagulat ako at nagtaka nang makita kong... nakatitig pa rin siya sa akin at bahagyang nakangisi. "I didn't do anything to her. Siya nga itong may pagnanasa sa akin," ani ng lalaki at naglakad na palayo sa amin habang kinukuskos ang kaniyang buhok ng isa pang tuwalya. Namula naman ng husto ang mukha ko sa pang-aasar na sinabi niya. Hindi ako nakapagpigil at tinawag ko siya, "A-Ano!? Hindi ko alam na may tao sa loob! Hindi nga kita kilala kaya bakit kita pagnanasaaan—" "Are you sure you didn't know me?" hinto ng lalaki sa paglalakad ngunit nakatalikod pa rin siya sa amin. "A-Anong—" "Halimaw na pango," agad niyang sabi na nagpahinto sa akin at doon ko napagtanto... kung sino siya. "J-Jinn..." Bahagya niya akong nilingon at ang pagngisi niyang nakakairita ay muli na naman niyang pinakita sa akin. "Missed me?" aniya at inilabas ng kaunti ang dulo ng kaniyang dila para inisin ako lalo. H-Hindi! A-Ang gwapong lalaking ito... ay walang iba kung hindi ang asungot na dwendeng 'yon!? Hindi!!! Imposible!!! Ahhh!!! **** Author here: Thank you for reading this chapter. Favor lang po, pa-comment po kung nagustuhan niyo po ang storyline. I need reviews lang po for approval ng contract ng nobelang ito. Mas malaki po kasi chance maapproved kung may comments. Salamat po at kapayapaan po para sa lahat ? ^^

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
237.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook