“MA’AM, may sulat po para sa inyo,” anang kawaksi na lumapit kay Tami sa may salas. “Thank you,” nakangiti pa niyang wika sa kawaksi pagkatanggap sa sobreng kulay puti. Medyo malapad iyon kaya sa tingin niya ay isang card ang nasa loob niyon sa halip na simpleng telegrama lamang. Tiningnan niya kung saan iyon galing. Nang mabasa ang pangalan ng alma matter niya noong high school siya ay napaisip siya kung ano ang mayroon doon. Dahil wala namang nakalagay sa labas ng card bukod sa pinanggalingan niyon at kung para kanino ang naturang liham. Wala ng pagdadalawang isip na maingat niyang binuksan ang sobre. Tama nga ang hula niya. Isang card ang nasa loob. An invitation card to be exact. “Reunion,” anas niya nang mabasa ang nasa front ng card. Naka-indicate roon ang school year niya noong