Pero alam niyang magagalit si KG dahil sa pang-iiwan niya rito dahil mas pinili niya ang pangarap niya noon. Naiisip pa lang ang galit nito ay hindi na niya kinakaya pa. Paano kung maging yelo na naman ito sa kaniya? Isa iyon sa iniisip niya. Kaya naman humingi siya sa Diyos ng sign. Kung magpapatuloy ba siya sa New York o uuwi na lang? Ginamit pa niyang sign noon na kapag buntis siya ay uuwi siya. Ngunit kung hindi, kailangan niyang ituloy ang dahilan ng pagbabalik niya sa New York. Ngunit sa ikalawang araw niya sa New York ay dinatnan siya ng buwanang dalaw. Ang sign na hinihintay niya. Walang nabuo sa ilang beses na kapusukan nila ng kaniyang asawa. Iyon ang dahilan kung bakit itinuloy niya ang pananatili niya sa New York. Ganoon pa man ay umaasa siya na isang araw ay makakasalubong

