Nang ipaalam niya sa ama ni Tami ang ginawa niyang pagpunta sa USA, pinagalitan pa siya nito. Dahil hanggat maaari ay ayaw nito ng distraksiyon para sa pag-aaral ni Tami... “Kung talagang malinis ang hangarin mo sa anak ko, hintayin mong magtapos siya sa pag-aaral bago ka magpakita sa kaniya.” “Can I marry her?” walang gatol pa niyang tanong. Hindi agad nakapagsalita si Geoffredo. Mukhang nagulat sa tahasan niyang sinabi. Napalunok ito. “She’s too young to get married, KG.” “Pagka-graduate pa naman po niya.” Ikinumpas nito ang isang kamay. “If she say ‘yes’ to you, wala na akong magagawa sa bagay na ‘yon.” Daig pa ni KG ang nagliwanag ang buong paligid sa narinig na iyon mula sa ama ni Tami. Isang kumpirmasyon na sumasang-ayon ito kung alukin man niya ng kasal si Tami. “Ibig po bang

