“Paano mo na-o-overcome ang mga ‘yon? Alam kong hindi ‘yon madali para sa iyo,” aniya na mas humigpit pa ang yakap dito. “Mahabang pasensiya,” anito na gumanti ng yakap sa kaniya. “Wife, I told you, don’t mind it. Narito ka na naman, may ihaharap na ako sa kanila na asawa ko,” sa halip ay nangingiti pa nitong wika. Gumuhit din ang ngiti sa labi ni Tami. Kung noon, ayaw na ayaw nito na masisira ang pangalan nito. Pero mukhang wala na rin itong pakialam doon ngayon. “Anyways,” ani KG habang yakap pa rin si Tami. “Kalimutan mo na ‘yong bad dream mo. Dahil ayaw kong makikita ka na may malalim na iniisip.” Tumango siya. “Opo.” Hinalikan siya nito sa noo. “Tutulog ka pa ba?” tanong nito nang kumalas sa kaniyang pagkakayakap at mataman siyang pagmasdan. Umiling siya. Pakiramdam niya ay hind

