“Say it again,” mahina niyang wika na sapat lang upang marinig nito. Nang tila ma-gets ni KG ang kaniyang tinutukoy ay matamam lang siya nitong pinagmasdan. “I will, once you decided to stay here for good.” Parang gusto niyang magmaktol sa isinagot nito. “Fine. Kung ayaw mong sabihin, hindi kita pipilitin. Sa iyo na ‘yang I love you mo,” aniya na nagpatiuna na sa paglalakad. “Ang nguso, nanghahaba,” pang-aasar pa sa kaniya ni KG nang maabutan siya at agad na akbayan para wala na siyang kawala pa rito. “‘Wag mo akong kausapin,” sa halip ay wika niya. Natahimik lang silang pareho nang makapasok na sa malawak na silid kung saan nakahimlay ang labi ng kaniyang abuela. Dahil medyo marami ang nakikiramay kaya mas pinili niya ang manahimik. Lalo na at naroon ang mga kamag-anakan nila sa side

