Two days, pero ramdam niya ang pagbabago sa kaniyang katawan. Kahit paano ay parang nawala ang stress na unti-unting bumabalot sa kaniya nitong mga nakalipas na mga araw. Siguro dahil nakatuon sa ibang bagay ang isip niya. Sa pagiging positibo rin at hindi nag-iisip ng ikaka-stress niya. Napahinto sa pagpadyak sa bike si Tami nang lapitan siya ng kawaksi na may hawak na cordless phone. “Ma’am, si Sir po,” anang kawaksi na pagkabigay sa kaniya ng telepono ay agad na rin siyang iniwan doon. Bumaba muna sa bike si Tami. Pagkuwan ay huminga nang malalim bago sinagot ang tawag na iyon. “Hello,” aniya kapag kuwan. “Tami,” ani KG sa kabilang linya. “Hindi ako makakauwi mamaya. Bukas pa,” inporma nito sa kaniya. Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi nito. Akala ba niya ay two days lang ito

