Ngunit hindi puwedeng mangyari iyon, heto nga at ramdam na ramdam niya ang paglilikot ng kamay nito sa kaniyang katawan. We’re married. And I realized that we can do this. Its part of our marriage… mga salitang mas pinanghahawakan ngayon ni KG. Na kasal sila at mag-asawa na kaya’t puwede nilang gawin ang kung ano mang normal na ginagawa ng mga mag-asawa. Napamulat si Tami nang maramdaman ang pagtanggal ni KG sa butones nang suot niyang pajama top. Gagawin na ba talaga nila? Bakit ngayon pa nito naisipan? Napaka-wrong timing. Pinigilan niya ang kamay nito. Dahilan para sandaling maglayo ang mga mukha nila. His eyes were burning with fire. “K-kung ano man ang gusto mong gawin bukod sa halikan ako,” bahagya siyang umiling. “‘W-wag mo ng balakin pa, KG,” nag-iwas siya pagkasabi niyon. “Wh

