Chapter 47-2

709 Words

“Come on, KG. Hindi mo pa rin sinasabi sa asawa mo?” Iyong pakiramdam ni Tami na para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang kinatatayuan dahil sa mga naririnig. Ano’ng ibig sabihin ni Shantal sa mga sinasabi nito? Ang t***k ng puso niya ay mas bumilis din ang t***k. “Hanggang kailan mo sasarilihin? Alam mo, pinagmumukha mo siyang tanga.” “Shantal—” “Kung ako sa iyo, sasabihin ko na sa kaniya,” tumawa pa si Shantal. “All this time pala ay wala pa siyang idea. Hanggang kailan mo siya pagmumukhaing tanga sa bahay mo?” Halos magdugo na ang labi niya dahil sa pagkakakagat niya roon. At ang luha niya na kanina lang ay nagbabadya sa pagtulo, ngayon ay walang humpay sa paglandas sa kaniyang pisngi. Ano’ng hindi sinasabi sa kaniya ni KG? Na mukhang alam na alam ng kaniyang kapatid?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD