“K-KG…” “Afraid of me?” he even teased. Tumapat si KG sa shower at hinayaan ang sarili na mabasa roon ng tubig. “W-what are you doing?” “Open your eyes, wife, para makita mo.” Napalunok siya. Bakit ang boses nito ay nagiging mapang-akit na rin sa pandinig niya? “No!” mariin niyang tanggi. “Wife, baka naman puwedeng pakisabunan ako,” request pa ni KG. “KG, nakapag-ahit ka nga ng balbas mo, without any help from me, ‘yang pagsasabon pa kaya? Kaya mo na ‘yan.” “Ouch,” react ni KG sa sinabi niya. “Masakit sa kamay.” “Whatever.” Paninindigan niya ang pagpikit hanggat hindi ito natatapos sa kung ano man ang ginagawa nito. Ngunit nang maramdaman ang paghalik ni KG sa labi niya ay ganoon na lang ang pagmulat ng mga mata niya. Sunod niyon ay ang paghapit nito sa kaniyang baywang palapit s

