Chapter 63-3

764 Words

Sa halip na magsalita ay tumingkayad siya at kinabig pababa sa kaniya ang batok nito. Hinalikan niya ito sa labi na sandaling ikinatigilan ng kaniyang asawa. Nang makabawi ito sa kaniyang ginawa ay tumugon ito sa kaniyang halik. Humapit naman ang dalawa nitong kamay sa maliit niyang baywang palapit lalo sa katawan nito. Nang bahagyang ibuka ni Tami ang kaniyang bibig ay hinayaan lang niyang makapasok sa loob niyon ang dila ni KG. Gumanti siya sa klase ng halik na ipinamamalas sa kaniya ni KG. Madali naman siyang makasabay sa bawat galaw ng labi nito. Nang kapwa pangapusan nang hininga ay kapwa pa may ngiti sa kanilang mga labi habang magkahinang ang kanilang mga paningin. Bahagya pa nilang habol ang kanilang paghinga. “Ganito siguro ‘yong pakiramdam ng honeymooners, ‘no?” nangingiti pa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD