"Sorry," baling niya sa kapatid. Bumalik muna siya sa loob ng bahay para kunin ang tali ni Amara. Agad niya iyong ikinabit sa alaga nang makabalik siya sa may gate. "You win, lalabas na tayo," aniya kay Amara. Sa maliit na gate sila dumaan. Pero ayaw namang maglakad ni Amara palayo sa kanila. Sa halip ay hinahayon ang katapat na bahay. Nagtatahol pa ito. "Amara," saway pa niya rito. "Gusto mo bang pumasyal o ayaw mo? Ibabalik kita sa loob. Doon sa cage mo." Napabuntong-hininga siya nang hindi man lang siya pansinin ng kaniyang alaga. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng gate at iluwa niyon si KG. Agad na kumawag-kawag ang buntot ni Amara nang makita ito. Pagkuwan ay kumahol. Bahagyang kumunot ang noo ni Tami. Alam ba nito na naroon si KG kaya ganoon na lang ang reaksiyon nito? Nap

