“Wala…” “Wala? Pero kung makaiwas ka, daig ko pa ang may sakit.” Gusto niyang pasubalian ang sinabi nito ngunit hindi naman niya magawa. Pinakatitigan niya ito sa mga mata. “Bakit ba big deal sa iyo, KG?” “Gusto mong malaman? Then, what next? Kapag sinabi ko na sa iyo ang dahilan, panay na ang iwas mong lalo?” “May dahilan ba para mas iwasan kang lalo, KG?” “Tami, sobrang complicated pa ngayon. Kung ako lang, kahit oras-oras ko pang sabihin sa iyo ang dahilan. But you know what? I learned how to wait. And that’s what I am doing right now. Waiting…” At siya? Patuloy na maku-confused sa mga kilos nito? Nagbawi na siya nang tingin. Pagkuwan ay tinalikuran na ito. “Saan ka pupunta?” agad na tanong ni KG. “Uupo,” tipid niyang sagot na hinayon ang hood ng kotse nito at doon ay naupo. Gin

