Chapter 21-3

1112 Words

“Six years?” kunway tanong niya. “Mawawala na sa kalendaryo ang edad mo. Dapat mga twenty-five pa lang ay nag-aasawa ka na.” “Imposible ‘yong edad na twenty-five ay mag-aasawa na ako. This year?” natatawa pa nitong tanong. “Bakit, Tami, handa ka na bang magpamilya sa ganiyang murang edad?” Nasamid siya sa klase nang tanong nito. Naubo tuloy siya kaya naman mula sa pagkakahiga ay naupo siya. Mabilis ding naupo si KG at hinagod-hagod pa ang likod niya. Nananatili ang ngiti sa mga labi at mga mata nito. Bakit siya pa ang tatangunin nito? Siya ba ang pakakasalan nito? Ipinilig niya ang ulo. Paaasahin na naman niya ang puso niya. Baka pinagti-trip-an lang siya ni KG at sa huli ay sasabihin nito na kalimutan na niya ang kung ano mang sinabi nito. Right. Baka ganoon nga. Erase. Erase. Erase.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD