“K-KG…” “Takot ka nga pala sa dilim,” wika nito. Umangat ang isang kamay nito at humayon sa isa niyang pisngi. Lalong nagsalimbayan ang t***k ng puso ni Tami nang maramdaman ang paghaplos nito sa kaniyang pisngi. “Let me go,” halos paos niyang pakiusap. “If I don’t?” Napalunok na naman siya. Maging ang lalamunan niya ay nanunuyo na. Saka lang mas tumino sa kaniya ang posisyon nila ni KG nang mga sandaling iyon. Mariin siyang napapikit nang may maramdamang kakaiba. Something hard down there… “KG, let me go,” ulit niya. Unti-unti ng nanghihina ang mga bisig niya. At ayaw niya nang kakaibang nararamdaman niya sa ibabang parteng iyon… “Tami,” masuyong wika ni KG na tila ba enjoy na enjoy pa sa posisyon nilang iyon. “Gusto ko lang malaman mo na, masaya ako na makasama ka ulit. Lalo na ‘

