Ang sarap mag-imagine na ito iyong KG na nakasama niya sa USA… pero hindi. Kumibot ang labi niya at unti-unting humapdi ang lalamunan. Hindi niya napigilan ang sarili na malungkot sa isiping iyon. Siguro nga ay hanggang pangarap na lamang siya ngayon. Hindi na babalik ang KG na nakasama niya noon sa USA. He’s gone. Just like that. Tami, hold on. ‘Wag ka ritong mag-emote. Not this time. Sayang ang bonggang ayos mo, paalala sa kaniya ng kaniyang sarili. Huminga siya nang malalim at ibinalik ang postura. Nang makita siya ni KG na palapit na ay pinagbuksan na siya nito ng pinto. Alam naman ni Tami na pakitang-tao lang iyon ni KG dahil may ibang tao sa paligid. Kailangang niyang masanay sa ganoon. Plastic-an… Nang makarating sa kanilang pupuntahang party ay inihanda na niya ang sarili na ma

