Huminto si KG sa paglalakad at muli siyang hinarap. “Kinda.” Napatawa siya nang pagak. “Napakahilig mo talaga sa pang-display. Sabagay, isa rin naman ako sa display mo rito sa bahay mo,” aniya na nagbawi na ng tingin. “Sige, ipa-drain mo ang tubig dito sa swimming pool. Siguro naman ay tapos na akong maligo bago pa maubos ang tubig dito,” aniya na tumayo na at naglakad palapit sa may gilid ng swimming pool. Iniinis siya ni KG, puwes, kaya rin niya itong bawian. Hinubad na niya sa paa ang suot na pangloob na malambot na sandals na may mga balahibo pa. Akmang tatalon na siya sa swimming pool nang maramdaman ang paghila ni KG sa kaniya palayo roon. “‘Wag kang makulit, Tami,” narinig pa niyang saway nito sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siya nitong paliguin doon. Hindi n

