Dumiretso si Tami sa pinaka-third floor nang mansiyon na iyon. Doon ay may malawak na terrace kung saan tanaw na tanaw ang karagatan na nasa may hindi kalayuan. Kulay kahel ang kalangitan na kay gandang pagmasdan. Ngunit hindi maibsan nang magandang tanawin na iyon ang hapdi sa dibdib niya. Madilim na ang kalangitan nang mga sandaling iyon ngunit nanatili pa rin si Tami sa kaniyang kinauupuang sofa habang nakatingin sa kinaroroonan ng Lineage Energy. Sa gabi, kuhang-kuha niyon ang kaniyang atensiyon dahil sa liwanag ng lugar na iyon. Ang pag-aari mismo ng asawa niya. Ni hindi niya ininda ang gutom. Siguro, nang mga sandaling iyon ay tapos na ring kumain si KG at nagpapahinga na sa silid nito. Wala naman itong pakialam sa kaniya. Kahit siguro mamatay siya sa gutom. “Wala ka pa rin bang

