HINDI inaalis ni Tami ang kaniyang tingin kay KG. Abala ito sa pagma-marinade ng gagawin nilang pork barbeque para mamayang gabi. Habang mag-bo-bonfire sila mamayang gabi ay mag-iihaw rin sila. Iyon na rin ang kanilang pinaka-dinner. “Wife, pakiramdam ko, gusto mo akong tunawin sa mga titig mo,” nangingiting wika ni KG nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya. Napangiti siya sa sinabi nito. Pansin pala nito na pinagmamasdan niya ito. Hindi lang niya maiwasan na memoryahin ang bawat parte ng mukha ng kaniyang asawa. “Naiilang ka ba?” Umiling ito. “Hindi naman. Kahit nga buong buhay mo na titigan lang ako ay walang kaso sa akin. I’m giving you the permission.” Napangiti siyang lalo. “Isang karangalan ba na mabigyan mo ng permiso? Parang ganoon ang dating,” she teased. “Hindi lahat masuwer