“CAREFUL,” ani KG kay Tami habang inaalalayan siya sa pag-akyat sa medyo matarik na batuhan. Nang makaakyat sa tinatawid nilang batuhan ay saka lang nakahinga nang maluwag si Tami. Naglilibot sila sa isla nang araw na iyon. At sa kagustuhang maakyat ni Tami ang kinaroroonan ng cliff na natanawan nila kanina, kaya naman hindi niya tinigilan si KG hanggat hindi niya ito napapapayag na marating nila iyon. Sa huli naman ay pumayag din ito. At heto nga sila ngayon, masasabi niyang sobrang sulit na maakyat iyon dahil maganda ang view. Bahagya pa siyang lumapit sa mismong gilid ng cliff at sinilip ang ibaba niyon. “Hubby, look,” aniya na itinuro pa ang ibaba ng cliff. Mangasul-ngasul ang tubig. Kitang-kita rin ang ilalim niyon sa sobrang linaw. “Diving area yata sa part na ito ng isla.” Malal