Two years later… “SA WAKAS, dumating din!” Bukod sa malakas na tunog ng musika sa isang exclusive bar na iyon ay dumagdag pa ang ingay ng mga kaibigan ni KG nang pumasok siya sa pinto ng isang private room kung saan naroon ang mga ito. “Happy birthday!” chorus pa ng mga ito. “Buong akala ko ay iignorahin mo ang invite namin sa iyo,” malambing pang wika ng isang babae kay KG na akmang hahalik sa kaniyang pisngi nang agad siyang umatras palayo rito. “Distansiya,” aniya rito na ikinatawa ng mga naroon. “Honey, how many times we will tell you, ‘wag si KG. Hinding-hindi ka niyan papatulan,” pang-aasar pa rito ni Ernes. Honey rolled her eyes. “Kaunti na lang mapapainom ko na ‘yan ng may kasamang gayuma,” ani Honey na ibinalik ang tingin kay KG. “Move on na, hindi na siya babalik,” s