Chapter 12 Hindi maipaliwanag ni Cheng ang pananabik niyang nararamdaman dahil ang susunod na performer sa gabing iyon ay ang dalawa niyang matalik na kaibigan na si Toby at Ram. Kung sa looks palang ay siguradong ilalampaso ng kanyang mga kaibigan ang mga kalahok doon. Ito talaga ang inaabangan ng mga studyante. kahit sa ibang campus nag aaral si Toby ay maari parin itong sumali dahil iisa lamang ang may ari ng paaralan nila. Maraming studyante ang katulad niyang sabik na sabik muling marinig ang magandang boses ni Ram Hoffman. Naalala niya tuloy last year festival din ng campus nila noon. Todo support siya kay Ram at umaga palang ay nasa music room na siya nito upang samahan itong mag practice ng kanta. Every year ito ang nananalo sa best band competition. Ngunit ngayon ay tila