Chapter 21 Napabangon agad si Cheng kinabukasan ng magising siyang hubot-hubad. Napalunok siya ng maalala niya ang maiinit na tagpong nangyari sakanila ni Ram Sa pagkakataong ito hindi na iyon panaginip. Noon kasing mga bata pa lamang sila ay palagi niyang napapanaginipan na nagtatalik sila ni Ram sa tuwing nag sleep over siya sa kwarto nito Sa wakas ay natupad na rin iyon. Napangiti siya ng makita niya ang kaunting bakas ng dugo sa itim na bedsheet ng kama ni Ram. Ibig sabihin hindi talaga siya nananaginip at totoong ilang ulit silang nagtalik kagabi Kinikilig siyang napapangiti habang inaalala niya ang mga ginawa nila kagabi. Ngunit naputol ang pag ngiti-ngiti niya ng makarinig siya ng mahinang pagtawa sa gilid Nanlaki ang kanyang mata dahil nasa pinto na pala ng bedroom nakasanda