Muling tinawagan ng kaniyang biyenang lalaki ang asawa ngunit ganoon pa rin. Hindi ito sumasagot. Lalabas na sana ang ama ni Marshall at ang ama ni Isy. Upang hanapin si Marshall, ngunit biglang nag ring ang phone ni Mr. Gomez. "Si Marshall!" bulalas ng ama Marshall at dali-daling sinagot ang tawag ng anak. "Hello, anak? "Sir, isa po akong pulis. Itanong ko lang kung kaano-ano ninyo ang may ari nitong phone," pahayag ng pulis at narinig iyon nilang lahat dahil naka-loudspeaker ito. "A-ama niya ako," kinabahang sagot ng Kaniyang biyenan g lalaki. "Sir, ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na naaksidente po ang inyong anak. At isinugod siya ngayon sa hospital. May mga taong nagdala sa kaniya at itong phone ay naiwan sa loob ng sasakyan." "Marshall? Mashaaaaall!" sigaw ni Isy at halos