“Akin ang anak ko, Dahil ako ang nagluwal at nagalaga sakan'ya simula ng nasa sinapupunan ko pa lang s'ya!” “But can you provide for him like i do?! Kaya mo ba s'yang bigyan ng magandang kinabukasan, gaya ko?” Mayroong panguuyam sa boses ng lalaki. “Anong magagawa ng pagaaruga mo, Kung sa huli ay hindi mo s'ya kayang pagbuksan ng oportunidad? Kaya mo bang makitang masira ang buhay ng anak mo, Dahil sa pagiging masarili mo?” Bahagyang lumingon ang lalaki ng ipinasok ang bata sa loob ng kotse. Ibinalik n'ya muli ang atensyon sa babaeng hawak-hawak ng mga lalaki, upang hindi makaalpas. “Hayop ka! Ibalik mo sa'kin ang anak ko!” “Anak. Ko.” Mariing sambit nito, at tumaas ang sulok ng labi. Five of his men behind him each opened a briefcase, At sandamakmak na pera ang nakalagay rito. “Isa