Isang linggo ang lumipas. Spring and Phoenix cooperated perfectly. Walang ideya si Spring na hindi sinangayunan ni Phoenix, it was as if anything she said was right. Kaya hindi miminsang gustong bigwasan ni Spring ang lalaki. That annoying smirk, that twinkling eyes, that perfectly sculpted face.. Those tempting kissable lips! Sa gulat sa naisip ay napalikwas ng bangon si Spring. Sht! Ano ba'ng klaseng mga bagay ang naiisip niya!? Bahagyang tinapik niya ang mukha. Siguro ay pagod lang ako. Tama. Pagod lang siya. Hectic ng mga nakaraang araw, sapagka't nagumpisa na ang formal construction ng MIZU headquarters sa Pilipinas. Inabot niya ang cellphone, at nakitang alas-dose na ng gabi. Alas dose na ng gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog. She's been tossing and turning for a couple of h