Chapter Four

1131 Words
Itinulak ni Spring ang bedside lamp. Natapon sa sahig ang mga bubog nito, at daglian niyang pinulot ang isang malaking tipak ng bubog. Ellen's threat wasn't empty, at wala siyang balak mamatay ng masama ang loob. “Sige, lumapit kayo!” Pagbabanta niya, at inaro sa mga ito ang salmin. “Tingnan natin kung kaninong kamay ang mas mabilis!” Napaurong si Ellen ng hindi niya namamalayan. There was a mad look in Spring's eyes, ito ang hitsura ng taong nawalan ng lahat. Yet she couldn't feel an ounce of guilt, kundi ang takot. Nabaliw na siguro ito, kaya hindi sila maaring magkamali— Spring could also kill them both. Napalunok siya, at ginagap ang kamay ng anak. Sinupil niya ang anumang impulse nito. Through gritted teeth, she spoke. "You got lucky today. 'Wag na 'wag kang uuwi at wag kang magpapakita sa'kin." Pinanlisikan pa niya ito ng mata, habang sapilitang kinaladkad ang anak palabas. Ngunit hindi pa sila nakaalis ng husto ay naghihimutok na si Cassie. Hindi ito nasisiyahan sa nangyari, they parted with Spring while every part of her body was intact. "Mom! Hindi na ako nakaganti sa b*tch na yon!" “Manahimik ka! Tingnan mo ang sarili mo, at tingnan mo ako. Mas maiging ganito ang hitsura nating pauwi, upang makita ni Jackson. He would be livid once he sees us, We were concerned for her. And then, what did she do? Sinaktan niya tayo. Dahil pinagsabihan natin siya.” It was what they did best. Ang palabasing masama si Spring, habang sila ng may busilak na puso. HINAHAPONG napaupo sa kama si Spring.  Nananakit ang buong katawan niya, ngunit, mas mabigat ang nararamdaman niyang bagahe sa puso. Everything. She lost everything in a night's time. Nilock niya ang pinto, at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nagsisimulang mamaga ang namumula niyang pisngi, ngunit, hindi lamang iyon, pati ang buong katawan niya'y makikitaan ng pamumula. There were hickeys all over her neck and body. Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mga mata. Iyon ang unang beses na ipinagkaloob niya ang sarili sa hindi kilalang tao. She couldn't believe that even her virginity was taken away from her. Ipinangako niya sa sariling ibabalik niya lahat ng pasakit na ipinaranas ng mag-ina sakaniya. Spring vowed that the pair will recieve retribution, tenfold. _____ Five Years Later.. Agaw pansin ang mag-inang naglalakad sa airport. Bawat madadaanan ng mga ito'y halos mabali ang leeg kakasulyap. The woman was a breath taking beauty with a charming allure, ito ang nagsusulong ng cart na inuupan ng isang batang napaka-cute. Ang babae ay may katamtamang tangkad, hanggang bewang ang itim na itim na buhok, na bahagyang paalonalon sa dulo. It perfectly suited her skin, isa itong mestiza, at lalong lumutang ang pagkaputi nito buhat ng kulay peach na dress na kaniyang suot. Nakasalmin ito, na halos takpan ang kalhati ng kaniyang mukha, Ngunit hindi nito naitago ang maganda nitong hitsura. Her body exuded confidence, and an aristocratic elegance. Habang ang batang lalaki na nakaupo sa maleta ay napaka-cute. Lahat ng madadaanan nilang babae ay napapatili, at napapahampas na lamang bigla sa katabi. Ngunit ni buhok ay hindi nito kawangis ang babae. Which made some say, his father must be some kind of demi-god, because even at the tender age of four, Kairos is a very handsome boy. “Mommy, Mommy! That sign reads our name! There's a small woman holding it up,” Tinuro ni Kairos ang isang babaeng hindi nalalayo sa entrance. Ngumiti ng matamis si Spring, at tinaas ang salamin. “My baby is the best.” Papuri niya sa anak at hinawakan ang pisngi ng bata. Pinupog niya ng halik ang chubby nitong mukha. He's simply too cute and sensible! Kahit na four years old pa lamang si Kairos ay marami na itong kayang gawin na ang mga kasing-edarin n'ya ay hindi pa kaya. Mahilig ito sa mathematics, at saulo na agad nito ang multiplication table. Mahilig din itong magbasa, puro literature pieces at ibang lenggwahe ang hilig ng bata! God, she even felt dumbfounded when she saw him watching a french documentary and speaking italian to a complete stranger! Hindi pang-batang laro ang hilig ng anak niya. She gave birth to a baby genius! Namula ang pisngi ni Kairos, “Mommy, Kairos only saw it.” Nagpa-cute pa itong hinalikan rin ang pisngi niya. God, i want to bite his cute cheeks. “Hello, I’m Spring Montefalco.” Pagpapakilala niya sa babaeng nakatayo at may hawak ng placard. Halatang nagulat ito ng pinasadahan siya ng tingin. There was disbelief crossing her eyes. “H-huh?” Parang natulos ang babae. Tila hindi ito naniniwalang siya si Spring Montefalco. “But, how are you so young?” Four years ago ay mayroong sumikat na fashion designer. She built a name for herself through her unique approach to the market. Every piece of clothing that she designs is limited. Wala itong kapares. And it became a privilege to snag one of her designs. It was a battle for the richest then on. Some are even sold in auctions dahil sa rarity at pagka-ganda ng mga pieces n'ya. That designer is Spring, and she has an Alias which is SX. Kakaunti lang ang may alam ng totoong identity n'ya, only her boss; Malia and the big CEO of Mizu. Nakatira na siya sa Abroad, ngunit dahil magbubukas ang Mizu sa Pilipinas ay siya ang naatasang mag-supervise. Bukod sa pinagkakatiwalaan siya ng mga big bosses, ay mas pamilyar rin siya sa pamamalakad sa Pilipinas. She had no choice. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Nagpadala ng panibagong Assistant si Malia para kay Spring, upang sunduin sila mula sa Airport. Anne ang pangalan nito, at isa itong maabilidad na designer. Naturally, makikilala nito si Spring sapagka't magiging magkatrabago sila. Ngunit hindi inasahan ni Anne, na magiging ganito ang hitsura ni Spring. SX was the darling of the Fashion Industry in Europe. Ang buong akala niya ay isang matandang, panay ang kulubot sa mukha. O di kaya'y isang uptight, middle aged lady who has multiple lovers. Peculiar ang mga taong artistic, okay? Anne didn't even think that it would be a young woman. Much less, isang magandang dalaga na may Anak. “May hinihintay ka bang iba?” Napataas ang kilay ni Spring, ngunit pinigil niya ang tawa. Madaling mabasa ang ekspresyon nito. “W-wala po!” Dagliang gumalaw si Anne, at kinuha ang bagahe. Inutusan niya ang mga drivers na ilagay ang mga maleta sa likod. Pumasok sila sa sasakyan. Kairos sat close to his mommy, nuzzling his head on her stomach. “Mommy, where will we be staying?” Pagtatanong ng bata. “Mommy, we're originally from the Philippines, right? Do we have relatives here?” He said with excellent accent. Naestatwa si Spring ng saglit. Kamag-anak? Funny, dito nga pala nakatira ang ilang kamag-anak ni Lucifer. The debt between them has not been paid yet. At siguro ay panahon na upang maningil, ng may kasamang interes. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD