Chapter Two

1322 Words
“Spring!” Sigaw ng matinis na boses, dahilan upang magising siya. Nagmulat s'ya ng mga mata at sa harap ay nakita ang Ama, at ang Asawa't anak nito. Parehong nabigla ang hitsura ng mag-ina, habang ang Ama ay mukhang nagpupuyos sa galit. Nanlilisik ang mga mata ng Papa n'ya, batid niya ang pagka-disgustong dumatay rito ng pasadahan siya ng tingin. Nakakatakot ang aura nito. “Spring! Anong ibig sabihin nito?!”Ibinuka n'ya ang bibig, ngunit wala siyang maapuhap na sabihin. She couldn't find her voice. Ibinaling niya ang tingin, at ng nagtagpo ang mga mata nila ni Cassie ay nahuli niya ang pagtutuya'ng naglalaro rito. There was mirth sparkling in her devious eyes, at mukhang naliligayahan itong inaabangan kung paano siya itatakwil ng Ama. May kutob na agad siya kung sino ng may pakana ng lahat ng ito. The mother and daughter pair were secretly delighted, at hinding hindi ito mahuhuli ni Jackson. Pang-Oscar levels ang paga-acting ng mga ito.“Sis.. Oh God! Sorry! Kasalanan ko kung bakit kami nandito. Nagaalala ako dahil hindi ka sumagot sa mga tawag ko kagabi, kaya napagdesisyunan naming ipahanap ka. Hindi ko naman alam na may ginawa ka pala kaya hindi ka nakauwi..” Namula agad ang mata ni Cassie, kunwa'ng sinisisi ang sarili upang lumabas na nagmamalasakit lamang ito kay Spring. Hinawakan nito ang braso ng Ama, “Papa, bata pa si Spring. Patawarin niyo po sana siya! Hindi niya kasalanan na napariwara ang buhay niya. Siguro ay dahil galit pa rin siya sa amin ni Mama...” “Totoo ba iyon, Spring? Kaya mo ba nagawa ito ay nagagalit ka sa amin ng kapatid mo?” Sa isang iglap ay tumulo ang mga luha ni Ellen. “Mali, anak. Hindi mo na dapat ginawa ang bagay na ito, dahil kung sinabi mo lamang ay lalayo kami ni Cassie. Iiwan namin ang buhay niyong mag-ama. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao saiyo? Kay Jackson? Na nagawa mong ipamigay ang sarili mo sa isang bayarang lalaki? Dear God, even the stock prices would fall! Pagpepyestahan ang Papa mo, ang pamilya nating Spring.” It may sound caring, ang tono ng inang nagaalala para sa isang anak, ngunit lahat ng binigkas nito ay may pinunto. Ang lumalabas eh, siya ang may personality problem, at ang mag-ina lamang ang nangangalaga sa reputasyon ng Ama. She fought the urge to scowl. Ngunit wala siyang maidadahilan, laban rito. Hindi niya pwedeng akusahan ang mag-ina'ng naninira pagka't magmumukha lamang siyang guilty. These pair have excellent abilities to twist the narrative. Nahuli na siyang kawawa ang hitsura. Her hair was messy, and she had hickeys all over her body. Parang dinaanan din ng bagyo ang kama, at mukhang kakaalis lang din ng kung sino mang kasama niya buong magdamag. Gustuhin man niyang makipagduruan, ay nakaturo lahat ng ebidensiya sa gusto ng mga ito. Parang puputok na si Jackson sa galit. Iratado n'yang binalingan ng tingin ang dalwang babae sa tabi n'yang umiiyak at dinuro ang anak. “You! Wala akong anak na patapon! Simula ngayon, ayoko ng makita ang pagmumukha mo!” Padabog itong umalis ng kwarto. Nagblanko ang utak ni Spring. Naikuyom niya ang kamao, walang kaemo-emosyon s'yang tumayo sa kama na nakatapis ng kumot. Pinasadahan niya ng tingin ang dalwa'ng tumigil na sa pag-iyak. “You won this time..” She lets out a ridiculing chuckle. “Gusto niyong maglaro ng Apoy? I'll burn the both of you.”At tila isang rosas, na kung pagmamasdan lamang ay nakakahumaling ang ganda, isang rosas na may talim si Spring. Sharp things aren't meant to be played with.. “Ano bang sinasabi mo?” Pinilgilan ni Ellen ang takot na umahon sakaniyang dibdib. Iniwasan ang matalim na titig ni Spring. “We're just concerned for you!” Kunwa'ng nagaalala siya para rito, bumatay ang naghihinanakit na ekspresyon sa kaniyang mukha. Concerned? Gusto n'yang matawa. “Then, could you answer a question for me? Who put the drugs in my wine?” It should be the wine. It's the only thing she drank. At natatandaan niya ang hustong pagka-hilo ilang sandali lamang ang nakakalipas. Hindi mapigilan ni Cassie ang bibig. Kung tingnan sila nito'y para silang may mga sungay. “It could be me.. so what?” Inismiran nito si Spring. “Your IQ isn't enough to think out even simple things like this, Cassie. Kapag ikaw lamang ay mahuhuli ka agad. Alam nating dalwa yan.” Napataas ang sulok ng labi ni Spring. All this Cassie Montereal knows, is how to be a spoiled brat. Sunod na sunod sa luho ng Ina at pati kagaspangan ng ugali ay kinukunsinti. “How dare you!” Nag-init ang ulo nito, Dinuro ni Cassie si Spring. How dare she?! Ipinamumukha ba nito na mas matalino ito, kaysa sa kaniya? Her mood was immediately spoiled. Mula't sapul ay laging nangunguna sa unibersidad si Spring. Sa tanang buhay nito ay laging nasa numero uno ang pangalan niya. While, Cassie, even paid the School to further her studies. Nangangamote ito. At labis ang pagkamuhi niya dahil kkinikumpar  siya sa kapatid niyang hilaw. “Enough! Wala ka namang proweba. Hindi mo kami masisisi.” Ellen stops the pair from arguing. Binigyan niya ng makabuluhang tingin ang anak, tila inaalo ito. Pagkatapos ng pangyayari ngayon ay siguradong wala ng tiwala si Jackson kay Spring. Pipilitin niya itong ilipat ang Kompanya ng walang kwentang nanay ni Spring sa pangalan nilang mag-ina. It is still under Jackson's reign, pagka't hindi pa nagte-twenty one si Spring. Magiging madali na lamang iyon dahil sira na si Spring sa sariling ama. She wanted to boast. She wants to gloat from Spring's misery! “Spring, hija. Paano kung sa amin mo muna ipaubaya ang Kompanya ng Mama mo? Baka sa ganon ay maniwala ang Papa mo'ng hindi ka galit sa amin. Aalagaan ko, namin ni Cassie. Tutulungan ka pa nami'ng makipagayos kay Jackson, write your mother's will off.” Hindi niya napigilan ang pangangati ng dila niya.  Bigla ay naalala niya ng Mommy niya. Her mother was always smiling, and she radiated a loving warmth. Always. Ngunit inagaw ito ng tadhana sakaniya. Namatay ang kaniyang Mommy ng tatlong taong gulang pa lamang siya, her mother was caught in a traffic accident. Mayroong lasing na driver at bumunggo ang sasakyan nito sa kotse ng mommy n'ya noong pauwi ito. Balibalitang mayroong naging foul play sa pagkaka-aksidente nito. Hindi rin na-prosecute ang may sala. Natatandaan n'yang umiiyak s'ya sa gabi-gabi. Nagmakaawa s'ya sa daddy n'ya para ipaglaban ang mommy n'ya, pero hindi nito ginawa. Ni hindi rin ito dumating sa funeral ng mommy n'ya. Dito nagumpisa ang paglayo ng loob niya sa Ama. At lalong umilap ang relasyon nila ng  wala pang isang buwan ay mayroon na agad  itong iniuwi'ng bagong Pamilya. May ibang babae agad ito, at bagong anak. Mas matanda sakaniya si Cassie ng dalwang taon, at madali niyang napagtanto'ng matagal ng taksil ang ama. “Say that again.” She urged. Naikuyom ni Spring ang kamay. Ito ang tanging dahilan kung bakit kumahog siya sa pagaaral. Gusto niyang mapangalagaang mabuti ang Kompanya'ng dugo at pawis ang inilaan ng Ina. Ito rin ang dahilan kung bakit abot abot ang pagpaparaya niya sa lahat ng kasamaang ginagawa ng mag-ina. She was always expected to be the bigger person. Ngunit hindi niya kayang palampasin ang pangyayari ngayon. They were taking it too far by involving her mother's hard earned Empire.Hindi napagtanto ni Ellen ang pagbabanta sa tono ni Spring. Ever the meek, and quiet girl she is. Ang buong akala niya ay nagustuhan nito ang narinig mula sakaniya. Hindi nito kayang mabuhay ng wala ang Ama, “I said, kami na muna ang mamamahala sa Kompanya ng mommy mo. In turn, i will help you with your Dad. Alam mo naman iyon, kapag nagmakaawa ka ay baka pabalikin ka sa Pamilya.” Dahan dahan na lumakad si Spring sa harap ni Ellen. Bawat hakbang ay dumagundong sa tainga ng mag-ina. They were waiting for her to grovel at their feets, to cry and beg them to help her mend the relationship with her father. Sa isip nila'y nararapat na magmakaawa ang isang katulad ni Spring sa kanila. Isang malutong na sampal ang nakuha ni Ellen.  Napabaling ang ulo niya sa kaliwa dahil sa impact ng sampal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD