Chapter 22 Hindi malaman ni Athena kung ano pa bang ginagawa niya sa mansyon ng pamilya ni pogi sa mga oras na iyon. Noong pagkagaling nila sa bar kung saan natuklasan niya na may dalawa itong nobya ay hindi pa niya ito muling nakikita. Hinatid lang siya nito sa kanyang kwarto noong gabing iyon at mula noon ay hindi pa niya ito nakikita o nakakausap man lang Sinubukan niyang mag text dito kahapon ngunit nasaktan lang siya ng malaman niyang nakipagkita ito sa nobya nitong si Veronica at gabi na itong nakauwi. Dinaga ng selos ang puso niya. Kung hindi lang dahil kay Mrs.Steford ay nunka na naroon pa siya hangang ngayon. Gusto na kasi niyang umuwi kahapon sa bahay niya at huwag ng hintayin pa si pogi. Pinakiusapan lang siya ni Mrs.Steford na manatili muna sa mansyon hangang sa welcome p